Iza Calzado, nagbigay ng isang napakagandang bagay sa kanyang kasambahay na sumisimbolo ng kanyang pagtanggap sa kanya bilang isang tunay na bahagi ng kanilang pamilya

Nasusukat talaga ang pagiging magkapamilya di lamang sa pagiging magkadug0 nito o sa pagiging magka pareho ng apelyido.

Nasusukat din ito sa pagkakaroon ng tunay na ugnayan na talagang handang magmahal at magsakr!pisyo na walang hinihingi na anumang kapalit. Gaya na lamang ng natatanging kwento ni Iza Calzado at ang kasambahay nyang si Donna.



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Simula nung magpositibo si Iza sa C0vid ay maraming nagbago sa kanya at marami syang natutunan mula sa kanyang mga naging karanasan. Nakita din nya kung gaano sya kamahal ng kanyang asawa na si Ben Wintle.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Ngunit ang isang tao rin na talagang tumayong tunay na kapamilya sa kanya ay ang kanilang kasambahay na si Donna.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Kahit na mayroon syang pagkakataon upang umalis at iwan sina Iza dahil sa kondisyon nito ay nanatili sya kina Iza upang maging katuwang at kaagapay lalo na at may naiwang kapatid si Iza sa kanilang bahay na kelangan din ng atensyon.

Maging ang pamilya mismo ni Donna ay nag-alala sa kanya at sinabihan rin na umuwi na sa kanila ngunit si Donna na mismo ang nagdesisyung manatili dahil alam nya na ngayon nila sya pinaka kailangan.



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“So nung sinabi nya sa akin yun and narealize ko na pinili nya mag-stay, pinili nya yung pamilya namin, malaking bagay yun para sa akin.” saad ni Iza.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Dahil dito ay talagang nakita at naramdaman ni Iza kung paano siya ituring bilang tunay na kapamilya ni Donna, kaya naman sinuklian din nya ito ng isang napakagandang simbolo. Simbolo na magpapatunay na sya ay totoong parte na ng pamilya nina Iza.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Hindi ko alam kung magiging sapat ang mga salita, ang yakap at kung anu pa man na pwede kong ibigay sayo. Ang dami mong sinakripisyo para sa amin. Sa amin mo binigay ang pagmamahal mo at taos puso akong nagpapasalamat.”



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Pinatunayan mo na hindi lang employer-employee ang relationship natin. Posibleng maging iisang pamilya tayo at dahil dun ay sana tanggapin mo ang isang simbolo na ibibigay ko sayo. Ito ang susi ng bahay. Bahay natin ito.” dagdag pa ni Iza.

Talaga nga naman na kung mabuti ang itatanim mo sa buhay ng isang tao ay talagang masusuklian ka rin talaga ng kabutihan at mga magagandang bagay na hindi mo inaasahan.

The post Iza Calzado, nagbigay ng isang napakagandang bagay sa kanyang kasambahay na sumisimbolo ng kanyang pagtanggap sa kanya bilang isang tunay na bahagi ng kanilang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments