Ivana Alawi, sobrang nagalit nang ihulog ng kanyang kapatid ang kanyang phone mula sa 2nd floor ng kanilang bahay

Sa mga magkakapatid ay uso talaga ang biruan, kulitan, kaya naman madalas din na may nagkakapikunan. Lalo na kung sariling personal na gamit na nila ang madadamay at masisira.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Gaya na lamang sa latest vlog ni Ivana Alawi, kung saan nag-umpisa ito na magkausap sina Hashim at Mona, at pinagpaplanuhan nilang gawan ng isang prank si Ivana. Sinabi ni Hashim kay Mona na bumili sya ng pekeng phone online na kagaya nung kay Ivana at itatapon nila ito at mababasag.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Papalabasin nilang kay Ivana talaga ang phone para maging epektibo ang kanilang prank. Dadaanin nila sa isang truth or dare na laro upang hindi ito mahalata. At dumating na nga si Ivana at inumpisahan na nila ang laro.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa umpisa ay naki-ride on lang sina Hashim at Mona kay Ivana at ginawa ang mga nabunot nilang dares para di sila mahalata. At dumating na ang oras na gagawin nila ang prank. Meron na talagang nakatagong papel sa bulsa ni Hashim kung saan sinasabi na kelangan nyang itapon ang phone ng kanyang katabi.

Sa umpisa ay di pa ito binibigay ni Ivana ngunit sa huli ay nakuha din ito ni Hashim. Akala nya na hindi nya ito itutuloy at sa gulat nya ay may nahulog na phone mula sa 2nd floor ng kanilang bahay. Nabasag ang phone nang bumagsak sa lapag.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Biglang nagalit naman itong si Ivana dahil wala na syang phone na gagamitin para sa trabaho. Pero sa huli ay inamin nilang peke ito at hindi talaga ito ang kanyang phone.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Bago sila magpaalam ay sinubukan ni Ivana na buksan ang hawak nyang phone. Ngunit hindi ito gumana. Nataranta naman si Mona dahil akala nya ay ang phone talaga ni Ivana ang naihulog ni Hashim. Galit na ulit si Ivana at halos maiyak na si Mona sa kaba.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa huli ay nagtawanan sina Ivana at Hashim dahil si Mona pala ang naprank. Si Mona pala talaga ang plano nilang iprank at natagumpay silang magkapatid. Si Ivana pala ang nagplano ng lahat.

Narito ang mga naging komento ng mga netizens sa kanila:

“I Love How Ivana Makes People Happy Especially During This Pandem!c And She Still Stays Positive 😁



Credit: Ivana Alawi Youtube

Watching for the second time😂😂 Prank na naprank😂😂😂

“ivana and hashim so cute”

The post Ivana Alawi, sobrang nagalit nang ihulog ng kanyang kapatid ang kanyang phone mula sa 2nd floor ng kanilang bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments