Isa sa mga sakit ng ulo nating mga Pinoy ay ang mga bills na ating binabayaran kada buwan. At isa na ang electric bill sa ating mga bayarin na talaga namang pinaghahandaan dahil sa taas ng presyo ng kuryente.
Kaya naman, isa sa mga alternatibo ngayon ay ang tinatawag na solar power o energy. Gamit ang mga solar panels, nagiging source ng kuryente ang enerhiya mula sa araw.
Iyan ang ibinahagi ng Team Kramer sa kanilang vlog. Ayon kay Doug, isa sa mga inisip niya nang sila ay makalipat sa kanilang bagong bahay ay ang bill sa kuryente. Dahil doble ang laki ng bahay, siguradong doble din ang bill ng kuryente.
Nang makita nila ang kanilang first bill, tumataginting na 79,000 ang bumungad sa kanila. Dahil dito, napagdesisyunan nilang mag-asawa na maghanap ng alternatibo.
Sa tulong ng Solaric, sila ay nakapagpalagay ng mga solar panels sa bubong na nagiging source of energy nila tuwing araw. Matapos ng installation, malaking pagkakaiba ang naging bill nila.
Mula sa 79,000, ngayon ay halos 30,000 nalang ang kanilang bill. Saad pa ni Chesca, hindi lang investment para sa kanila ang hatid ng mga ito kundi investment din para sa environment.
Kaya naman, maging mga netizens ay natuwa at namangha sa kanilang bahay at sa solar power.
“Their house is beautifully surrounded by so much greens. If it were me, aircon would be an hour long lang, then everything else would be done in the open for oxygen-rich air.. Not because of the bill, but because of health, so we can save both the kids’ lungs and the ozone layer. Wonderful work with the solar panels too, galing. Smart move”
“I do wish we have more providers for solar so that price of panels and equipment become a bit affordable for common households. I hope to have this in my house ”
“Not just on solar panels, invest more on batteries where you store the solar energy. The more storage you have the less you’re dependent with meralco. Turning into renewable energy will not only benefit you financially, this is sustainability which is good for the planet “
The post Chesca at Doug Kramer, inamin kung bakit umabot ang kanilang electric bill ng 79K noong unang buwan nila sa kanilang bahay at kung paano nila ito nasolusyunan appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments