Iba talaga kapag mayroon kang mga magulang na talagang supportive sa iyong mga ginagawa at sa iyong mga plano sa buhay. Ang kasiyahan ng kanilang mga anak ang lagi nilang nasa isip kaya naman ibinibigay ang the best para sa kanila.
Gaya na lamang ng post ni Dianne Medina sa kanyang socmed account kung saan ibinahagi nya ang mga larawan, apat na taon ng nakalilipas, kung kailan nagpirmahan sila ng kontrata upang maging pag-aari na nila ang isang bahay sa Quezon City.
“4 years ago today when my Daddy and I signed the Unit Turnover Contract for Ayala Ferndale House— Gift sakin ni Mommy and Daddy”, saad ni Dianne Medina.
Ito daw dapat ang magiging bahay nila ng kanyang asawa na si Rodjun Cruz ngunit nagkaroon ng pagbabago sa kanilang plano na hindi nya na naidetalye.
Ang bahay na ito ay regalo sa kanya ng kanyang mga magulang para sa kanya. Kitang kita sa mga larawan ang ganda ng bahay mula sa labas hanggang sa loob.
“Dito kami dapat titira ni Rodjun — but plans changed. Someone is renting now but this Unit is already up for sale,” dagdag pa ni Dianne.
Matapos ng kanyang post ay may mga nagpahiwatig na din ng interes at nagtatanong ng presyo kaya naman talagang mukhang di sya mahihirapan makakuha ng buyer dahil sa ganda ng bahay at malapit pa sa mga kilalang lugar.
0 Comments