Andi Eigenmann, sinusulit ang bawat pagkakataon upang maging mahusay sa larangan ng surfing

Isang napakahirap na sports ang surfing. Upang matuto, mahalaga na maging bihasa sa pagbabalanse at kung paano ang magiging posisyon ng katawan sa bawat hampas ng mga malalakas na alon.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

Pero, kahit gaano ito kahirap, walang imposible sa taong nagpupursigi na pinanghahawakan din naman ni Andi Eigenmann. Alam naman natin na ang partner ni Andi na si Philmar ay isang professional surfer kaya nais ding itong matutunan ni Andi.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Kaya sa isang post ni Andi, dahil sa pandemya ngayon, hindi na niya nagagawa ang dati na mag surf sa anumang oras niyang gustohin. Kaya, napakahalaga na i treasure ang bawat pagkakataon.

“Not having the chance to surf as much as I would like anymore has taught me to treasure every opportunity!😆 Need to make sure I take all the time I have to work on improving. So as to not have @chepoxz worry about me when he isn’t in the water.lol!,” kwento ni Andi.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

Makikita nga naman talaga kay Andi na gustong gusto niyang matuto at unti unti ay natututo naman si Andi sa tulong ng kanyang partner.

“And also so that I can achieve that grace that all my longboarding idols possess that would make a good photo such as this one!😆 (not yet there, but this is an achievement for me already.hahaha thanks for capturing thismoment @vinzontoribio , @singlefinvisuals.🌸,” dagdag pa niya.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Tuwang tuwa din si Andi sa kanyang achievement lalo na itong nasa larawan na step by step ay nakakaya na niyang bumalanse sa board.


Patunay nga naman ang ginagawa ni Andi na walang imposible sa pageensayo. Ang bawat nagagawa ni Andi sa surfing ay malaking bagay sa kanyang improvement.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

Ganyan nga naman dapat ang ating maging asal sa buhay. Nahihirapan man, hindi pa rin tayo susuko at susubok tayong matuto at tumayo. Anumang alon, mayroon pa rin tayong lakas at ngiti sa paglaban sa mga alon ng buhay.

The post Andi Eigenmann, sinusulit ang bawat pagkakataon upang maging mahusay sa larangan ng surfing appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments