Alice Dixson, ipinasilip ang kanilang mga napakalawak na lupain at ari-arian sa probinsya kung saan nya pinaplanong magpatayo ng bahay

Pagdating sa tahimik at simpleng pamumuhay ay wala na talagang tatalo sa buhay sa probinsya. Dito mararanasan ang sariwang hangin, mga bagong pitas na prutas at gulay, mga alagang hayop sa bukid at ang tanawin na di mo makikita sa isang napaka busy na lugar tulad ng sa Maynila.



Credit: Alice Dixson Instagram

Dumadating din sa buhay ng isang tao na gusto nalang mag-relax at mag-enjoy sa mas tahimik at mas maaliwalas na lugar. Gaya ni Alice Dixson na pumunta sa lugar kung saan ang kanilang mga ancestral properties. Bumisita sya sa probinsya ng Quezon upang makita ang mga lupain at ari-arian na naiwan ng kanyang mga magulang.

Credit: Alice Dixson Youtube

Pagdating nya doon ay ipinasyal sya ng kanyang pinsan sa dati nilang bahay at tinuruan pang gumawa ng copra. Nabisita din niya ang kanilang mga lupain kung saan nya iniisip na magpatayo ng bahay. Iniisip din niya kung anu pa ang pwedeng gawin sa mga lupain nilang puno ng niyog at iba pang mga tanim.

Credit: Alice Dixson Youtube

Nakita din nya muli ang mga taong naging parte ng kanyang buhay kagaya na lamang ng iba nyang mga kamag-anak pati na rin ang mga taong naging kasama nila sa bahay at nag-alaga sa kanya habang sya ay bata pa lamang.



Credit: Alice Dixson Youtube

Bumisita din si Alice sa opisina ng Mayor doon, kung saan makikita kung gaano ka-proud ang mga tao doon sa kanya. Ipinaliwanag din ng Mayor kung anu ang pangkaraniwang ikinabubuhay ng mga residente nila at kung anu ang kanilang mga pangunahing industriya.

Talaga nga namang nakaka engganyo ang manirahan sa probinsya lalong lalo na sa lugar kung saan nagmula ang iyong pamilya at nagkaroon ng maraming magagandang ala-ala.

Naging masaya at supportive din naman ng mga netizens sa gustong maging plano ni Alice Dixson na pamumuhay sa probinsya at narito ang ilan sa kanilang mga naging komento:

“A rest house with overlooking view, a beach, simple life. PERFECT!”



Credit: Alice Dixson Youtube

“I love how you visited each of your yaya back when you were a kid. You’re such a humble person Alice.”

“W0w ang lapad ng ancestral property nyo po! Your former nanny looks amazing at 87. Iba talaga ang buhay sa probinsya. Excited ako mgkaron ka ng resort dyan.”

 

The post Alice Dixson, ipinasilip ang kanilang mga napakalawak na lupain at ari-arian sa probinsya kung saan nya pinaplanong magpatayo ng bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments