Nagkakilala sina Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Architect Conrad Onglao, sa pamamagitan ni Mega Star Sharon Cuneta na pareho lang kaibigan dalawa.
Bago pa man sila nagkakilala ay parehong ikinasal ang dalawa sa kani-kanilang mga karelasyon noon, at ngayon ngang natagpuan nila ang bagong pag-ibig sa piling ng isa’t-isa ay masaya ang dalawa sa kanilang relasyon.
Taong 2014 ng ma-engage ang dalawa, at ngayon nga ay magkasama na silang naninirahan sa kanilang tatlong-palapag na moderno at elegante magnificent glasshouse na matatagpuan sa Makati, kung saan ay si Architect Conrad mismo ang nagdisenyo nito.
Sa labas pa lang ng moderno at elegante ng bahay ng dalawa ay talagang kahanga-hanga na ang mga makikitang disenyo nito. Lalo na sa pagsapit ng gabi kung saan ay makikita ang mga dramatic lightning na mas nagpapatingkad pa lalo sa glass window at modern shapes nito.
Kapansin-pansin rin na walang gate ang bahay na ito nina Zsa Zsa at Architect Conrad, dahil ayon sa nakuha nating source ay ayaw ng nasabing arkitekto ang magkaroon ito ng mga barriers upang hindi maharangan ang kanilang bahay at manatili itong natatanaw ng sinomang napapadaan dito.
Pero upang masigurado ang kanilang kaligtasan sa kabila ng hindi nito pagkakaroon ng gate, ay naglagay ang arkitekto ng security system dito.
Napapalibutan rin ng mga magagandang halaman na naka-ayos ng landscape ang malamansyong bahay na ito nina Architect Conrad at Zsa-zsa. Ilan nga sa mga halaman na makikita rito ay ang ferns, elephant ears, Buddha belly, at selloums. May mga makikita ring mga puno dito tulad ng chesa, manga at macopa.
Narito naman ang ilan sa mga bahagi ng bahaym na talagang mapapamangha ang mga makakabili dito dahil sa ganda, moderno at elegante ng mga disenyo nito.
FOYER
Sa parte pa lang na ito ng bahay ay talagang mapapamangha na ang mga makakapasok rito dahil sa napaka-welcoming nito. Makikita rin rito ang isang malaking salamin na nakaharap sa may pintuan, dahil hindi umano naniniwala ang arkitekto sa pamahiin ng mga Pinoy na may masamang dulot sa pamilya ng isang bahay kung may salamin na nakaharap sa pintuan nito.
LIVING-AREA
Makikita naman na ang livingroom ng bahay ay napapalibutan ng clear glass panels simula sa sahig hanggang sa ceiling nito na kung saan ay mas naging maliwanag at maaliwalas ito tingnan. Isa rin ang mga clear glass panels sa pagpapalawak tingnan sa nasabing parte ng bahay.
Hindi rin biro ang mga kagamitan na makikita rito, tulad na lamang ng L-shaped sofa, clear coffee table at ang tila isang carpet na may disenyong zebra print na mas nagbigay comfy sa area na ito ng bahay.
Mayroon ring grand piano na makikita sa bahaging ito ng bahay nina Conrad, at ayon sa kanya ay nagagamit lamang ito sa tuwing may mga pagdiriwang at may bisita silang professional pianist dahil hindi naman umano siya marunong gumamit ng instrumenting ito at binili lamang niya ito upang maging isa sa kanyang mga investment.
DINING KITCHEN AREA
Tulad ng living area, napapalibutan rin ang dining area ng mga clear glass panel simula sahig nito hanggang sa ceiling, kaya naman natatanaw habang kumakain ang maganda at maaliwalas na tanawin sa labas ng bahay.
KITCHEN AREA
Napaka-elegante naman ng kanilang kusina, dahil sa nakukulayan ito halos ng kulay putting pintura at mga kagamitan. Mayroon din dito isang informal dining area, na kung saan ay mas madalas na dito nag-aagahan ang mga may-ari ng bahay.
STAIRCASE
Isang modernong hagdanan naman ang ipinasadya ng arkitekto para sa kanyang bahay. Sa railings pa lamang nito na kung saan gumamit ng clear tempered glass ay talagang mas naging extra-ordinary at elegante tingnan ang hagdanan ng bahay.
OUTDOORS & ROOF DECKS
Sa bahaging ito naman ng bahay ay talagang masasabi na napaka-homey at inviting ng bahay na ito dahil sa napapalibutan ito ng iba’t-ibang klase ng halaman at puno.
Kung akala niyo ay sa labas lang kayo mapapahanga ng mga halaman ng may-ari ng bahay, ay nagkakamali kayo dahil sa roofdeck ng bahay ay mas nakakahanga ang tanawin dahil sa mayroon kang makikita rito na mga enchanting plants.
Makikita rin mula sa roofdeck ang Makati skyline, isa rin ito sa mga perpektong lugar kung nais mong mag relax o pagbabasa ng mga aklat.
MASTER BEDROOM
Isa naman sa pinakamalawak na bahagi ng bahay na ito ay ang kanilang master’s bedroom, na kung saan ayon kay Conrad ang ceilings height nito ay pwedeng umukupa ng dalawang palapag.
Makikita rin ang napakalambot na kama, kung saan sa may bandang taas ng headboard nito ay may nakasabit na tatlong paintings. May mga kagamitan at dekorasyon din na makikita na naka ayos ang pagkakalagay sa isang shelves na mas nagbigay pa ng mas-class na dating sa nasabing silid.
Ang master’s bathroom naman ay tila inayos sa fixtures na pangbabae at panlalaki na kung siya ay may dalawang shower areas ito na gawa naman sa mga clear glass.
Source: Famous Trends
0 Comments