Baby Summer, ipinamalas ang galing sa pag-arte kasama ang kanyang daddy na si Paolo Contis

Kung aktingan ang usapan, napakarami nga namang mga pangalan sa industriya na talagang mailalaban mo sa iba’t ibang genre. Mapa comedy, romance, heavy drama o h0rror pa.

Isa sa mga showbiz couple na parehong magaling sa actingan ay si LJ Reyes at Paolo Contis. Kaya naman, panigurading manang mana din ang kanilanh anak na si Baby Summer sa kanila.



Credit: Paolo Contis Instagram

Sa isang video na inupload ni Paolo sa kanyang IG, makikita na tila tinuturuan niya ang kanyang anak na si Baby Summer.

Ayon pa kay Paolo, gumraduate daw sa kanya ang kanyang anak mula #Acting101 patungong #Acting102. Kaya naman, nang masubukan ito ay pinatunayan ni Baby Summer ang kanyang galing.

Credit: Paolo Contis Instagram

“Madaming nag tatanong sakin kung kailan ako mag lalabas ng bagong #Acting101 ni Summer… Hindi niyo lang alam na never kami huminto ng training! 👍 Sa katunayan, nasa advanced class na kami!,” saad ni Paolo.

Makikita kasi sa video na talagang nakikinig si Baby kay Paolo. At ng kakanta na ito at magka cue na, ay sadya naman talagang umiyak si Summer at nang pinatahan ay tumigil nga ito.

Credit: Paolo Contis Instagram

“Nasa #Acting102 na kami! 😂😂😂 using music for actor’s cue and letting go agad pag cut ni direk! Perfect na po niya ito! 😂😂😂 #SummerSerye ❤ paging @gmanetwork 😳 pwede na daw mag taping si Summer!



Credit: Paolo Contis Instagram

Okay lang daw sa kanya kahit habang ECQ! 😂 PS. Hindi ko po siya kinurot ha! Sensitive talaga siya sa music, lalo na pag malungkot mo kantahin! 😊,” pahayag pa ni Paolo. .


Hindi nga malayong manang mana talaga si Summer sa kanyang mga magulang na kinabiliban din ng mga netizens:

“hahaha adorable baby Summer look like LJ. acting wise like the parents”

Credit: Paolo Contis Instagram

“Baby Summer you are so adorable…”

“So cutie artista na din baby nyo ang galing ni summer”



Credit: Paolo Contis Instagram

“ang cute cute ni summer nakakatuwang bata ☺ ”

“Yun anak mo sa ex mo, suportahan mo nman”



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments