Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Nadine Lustre?, ang isa sa pinakasikat at popular na Pinay Actress ngayon na talagang hinahangaan ng marami sa atin. Isa din siya sa mga judges ngayon sa “Your Moment”, ang talent competition ng ABS-CBN Network.
Nitong taong ito lamang din ng maging matunog ang pangalan ni Nadine sa telebisyon at social media, ito ay matapos nilang kumpirmahin ng dati niyang ka-loveteam at reel-to-real boyfriend na si James Reid ang kanilang hiwalayan, kung saan ay maraming tagahanga nila ang ikinagulat ito.
Noong May 11 naman araw ng Lunes, ng magpost ang aktres ng larawan kung saan ay kasama niya ang ex-boyfriend niyang si James Reid kung saan ay nagdiriwang ito ng ika-27 birthday. Umani naman ng sari-saring reaksyon sa mga netizens at tagahanga ng dalawa sa online community ang IG post na ito ni Nadine.
Ngayon naman, ay may isang Facebook User na nagngangalang Yvone Jadine Alamag, ang nagbahagi ng mga compiled photo ni Nadine kung saan ay ipinakita nito ang sampung tattoo sa katawan ng aktres at kung ano ang mga ibig sabihin nito.
Narito ang sampung tattoo ni Nadine, at ang ibig sabihin umano ng mga ito;
1. Nozomi Komiya
ito umano ang Japanese translation ng pangalan ng aktres. Komiya ay ang apelyido niya, dahil may dugo rin siyang Japanese at angNadine naman na ang ibig sabihin ay hope, kung saan ang hope sa Japanese ay Nozomi.
2. Rose
sumisimbolo ito ng pagmamahal sa sarili, ito rin ang paboritong bulaklak ng aktres.
3. “Nakayapak at Nahihiwagaan”
linya mula sa awiting “Tadhana”, kung saan ay ito ang paboritong kanta ng yumao niyang kapatid. Ipina-tattoo umano ito ni Nadine ng mag-death anniversary ang kanyang kapatid.
4. Oh La La
sumisimbolo ito sa pag-admire at pagmamahal niya sa iniidolong si Lady Gaga
5. “Ma Cherie”
French word na ang meaning ay “my sweetheart”, “I am my own sweetheart” ayon kay Nadine
6. Wris Tattoo
Matching tattoos at simbolo ng pagkakaibigan nila ng mga bestfriend niyang sina Lauren, Andrea at Kiana.
7. Heart
Nagpapaalala sa aktres na “to do everything with love”
8. Crescent Moon
Nagpapaalala sa kanya ng mga taong dumaan sa kanyang buhay. Mula sa awiting Everglow by Coldplay.
9. Vine
Sumisimbolo na kahit pa malayo na ang kanyang narating sa buhay, ay mananatiling nasa lupa ang kanyang mga paa.
10. Ego Omnia
Ibig sabihin ay “I am everything.”
Matatandaan nga na noong magkaroon ng panayam si Nadine sa Monster RX93.1 na ang host ay sina Rico Robles at Karla Aguas, tungkol sa kontrobersyal na hiwalayan nila ng dating karelasyon, ay binigyan ng multi-awarded actress ng pagkakataon ang kanyang mga tagahanga na magtanong ng mga personal na katanungan sa kanya.
Source: Famous Trends
0 Comments