OFW Pinay Caretaker Biniyayaan Ng Pamana Ng Kanyang Amo Na Lolo Ni Michael Buble

OFW o Overseas Filipino Worker, sila ang isa sa mga maituturing nating buhay na bayani ng ating bansa dahil sa ginawa nilang pagtitiis at pagsasakripisyo na magtrabaho abroad kung saan ay malayo sila sa piling ng kanilang mga pamilya.




Milyon-milyon nga namang mga kababayan nating Pinoy ang nangibang-bansa upang maging OFW doon upang makapagtrabaho at suportahan ang pangangailangan ng kanilang pamilya dito sa Pinas.

Image Credit via Google

Maituturing natin na maswerte ang ilang mga OFW na nagtatrabaho kung sila ay nakatagpo ng isang amo o employer na talagang ituturing silang kapamilya. Tulad na lamang ng isang Pinay caretaker na masasabi nating maging maayos ang buhay dahil sa kanyang mabait na amo sa ibang bansa.

Image Credit via Google

Ang Pinay caretaker na si Minette ay isa sa mga OFW, na maswerteng nagkaroon ng mabuting amo. Ang kanyang mga naging amo ay ang lolo ng Canadian singer na si Michael Buble, na nagngangalang Demetrio.

Image Credit via Google

Ayon kay Michael ang final wish ng kanyang Lolo ay ang ibigay sa kanyang pinay caretaker na si Minette ang kanyang bahay. Ginawa naman ni Michael ang nais na mangyari ng kanyang Lolo, at ipinarenovate pa nga ng Canadian singer ang bahay bago ito ibigay kay Minette.

Image Credit via Google

“My grandfather was my best friend growing up. He was my hero.”, saad ni Michael.
Kumuha ng isang caretaker ang pamilya nila Michael para sa kanyang lolo na si Demetrio ng magkasakit ito.

Image Credit via Google

Bago naman napasok bilang caretaker ng lolo ni Michael si Minette ay dati umano siyang health worker sa ating bansa.

Image Credit via Google

“I came from the Philippines working as community health worker. Then I got hired by Michael’s family to look after grandma and grandpa at the same time,” saad naman ni Minette.

Image Credit via Google

Dahil na rin sa tagal ni Minette na paninilbihan kay Demetrio bilang care taker nito, na kung saan ay umabot na siya ng 8-taon na pagiging tagapag-alaga nito ay naging malapit na sila sa isa sa isa’t-isa. Itinuturing na siya na best friend ng lolo ni Michael at naging honorary member na rin siya ng Buble family.

Image Credit via Google

“Minette never does anything for herself, and I think grandpa would be thrilled knowing we could maybe lessen her burden a little bit.” Saad pa ni Michael.

Image Credit via Google

At para nga maging sorpresa para kay Minette ang magiging bahay na niya, pinarenovate ito ni Michael ng minsang bumisita si Minette sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Humingi ng tulong si Michael sa Property Brothers, upang marenovate ang bahay ng kanyang lolo Demetrio sa Vancouver, Canada.

Image Credit via Google

Tila naman talagang buong bahay ang pinagbago, dahil ang ginawang renovation ay nagmula sa kitchen, living room at parlor.

Hindi naman maipaliwanag ni Minette ang kanyang nararamdaman ng malaman niya na sa kanya mapupunta ang lahat ng iyon, as in speechless siya sa ibinigay sa kanya ng kanyang amo.

Marami naman ang mga netizens ang humanga at nagbigay ng komento sa magandang biyaya na natanggap ni Minette mula sa kanyang mabait na amo. Narito nga ang ilan sa kanilang mga komento;

“Wow! Most Filipino women, RNs, Caretakers, other workers are the best. They are loyal and caring. Proud Filipino here.” “You truly deserve it mominette! For taking good care of lolo. Im inviting myself to your house after cov!d.”.

“This is so inspiring. The reason why Michael Buble one of my favorite singers. I really searched for a video of this in Youtube cause I wanna see Minette’s (Filipina Caretaker) reaction.”




“Iba talaga ang Pinoy, masipag at mapagkakatiwalaan! Congrats kabayan.”
Tunay nga naman na iba kung magpahalaga at mag-alaga ang mga Pinoy, kaya naman maraming mga iba’t ibang lahi ang mas ninanais na ang maging katiwala o tagapag-alaga nila ay mga Pinay caretaker.

Tulad nga ni Minette, ay marami ng mga OFW o Pinay caretake, ang nabigyan na rin ng biyaya o bahay ng kanilang mga amo bilang gantimpala sa serbisyo na ibinigay ng mga ito para sa kanilang pamilya. Kaya naman masasabi natin na, Congratulations Kabayan Minette!



Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments