Marami na tayong nakita na hindi nagiging hadlang ang anumang kapansanan sa isang taong mayroon nito. Bagkus, nagiging inspirasyon at hamon ito sa kanila.
Gaya na lamang ng anak ng aktres na si Nikki Valdez. Ang kanyang anak na si Olivia ay hindi iniinda o nalilimitahan ng kanyang deformity. Proud na proud pa nga si Nikki sa kanyang anak dahil sa kanyang galing at talento.
Mayroon kasing Syndactyly o ‘baby hand’ si Olivia. Noong ipinanganak si Olivia, mayroon siya ng birth defect na ito.
“As Limb Difference Awareness Month comes to a close, let me not forget to celebrate you, my love!
Year after year, you show greatness in what you do and that alone makes me proud to have you as my daughter. What was once just fear and anxiety over a diagnosis of your “baby hand” is now replaced and filled with pride, happiness and gratefulness,” kwento ni Nikki.
Noong una daw na malaman niya ito ay talagang natakot at nag worry siya, pero ngayon lahat ng ito ay napalitan na ng saya at pagpapasalamat.
“Thank you for being the light in our lives and for showing us most specially me how it is to be strong and to accept what we have,” dagdag pa ni Nikki.
Pinaalala din ni Nikki na kaya siya naiiba ay upang gumawa ng pagbabago sa mundong ito.
“Anak, please know that you were made with so much love and that being born different only means you were destined to make a difference. I love you with all that I am! ,” mensahe pa ni Nikki.
Maging noong Mother’s Day ay masaya din nila itong naipagdiwang.
“My Olivia, you are the reason why we celebrate this day. Mama loves you more than anything. I am happy I get to serve you and love you the best way I can. Happy Mother’s Day to me!!! ,” saad pa ni Nikki.
Source: Trending Planet
0 Comments