Pag usapang basketball, isa sa mga kilalang kilala at di maikakaila ang kaniyang kasikatan ay ang tinawag na Black Mamba na si Kobe Bryant. Iniidolo siya, mapa kabataan man o matatanda dahil sa galing niya sa paglalaro ng basketball.
Kaya nang dumating ang balita na siya ay nawala na dahil sa isang helicopter acc!dent, marami ang nalungkot at nakidalamhati. Nakiramay ang buong mundo sa kaniyang pagpanaw dahil nawala ang isang legend sa basketball.
Bukod pa sa larangan ng basketball, gumawa din ng pangalan si Kobe at nakilala sa pagiging endorser ng mga kilalang produkto gaya ng Adidas, Nintendo, Sprite at Turkish Airlines. At syempre, kilala din siya bilang endorser ng Nike. Umaabot sa halos 10 milyong dollars ang kanyang kinikita dito.
Kaya kung titignan, isa din si Kobe sa mga highest paid athletes sa history ng basketball ayon sa Forbes. Malaki ang kinikita din ni Kobe sa kanyang pagiging basketbolista at endorser.
Ilan sa mga ari-arian na kanyang naiwan ay ang kanyang mga sports car na Mercedes Benz at Ferrari. Alam naman natin na ang mga mamahaling sasakyan na ito ay mga mayayaman lang talaga ang nakakabili.
Base sa ulat ng celebrity Networth, kumikita si Kobe Bryant noon ng $25 milyon taon-taon. Kaya nasa halos $600 milyon ang total networth ng ating idolong Black Mamba.
Sa nangyaring pagkawala ni Kobe, lahat ng ito na kanyang naipundar na mga ari-arian ay maiiwan sa kanyang asawang si Vanessa Bryant at kanilang tatlong anak.
Anumang yaman at dami ng mga kayaman na ito na naiwan sa kanila, hindi pa rin maitatanggi na nakakalungkot at nakakapanghinayang pa din ang pagkawala ni Kobe at ng kaniyang isang anak.
Sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin mabubura ang legacy na ginawa at iniwan ni Kobe sa mundong ito. Hindi nga naman makakalimutan ang kanyang Jersey number na 24 at ang lahat ng mga moves at galing ni Kobe sa paglalaro.
Source: Trending Planet
0 Comments