Sipag, tiyaga, determinasyon at pangarap ito lamang ang ilan sa pinanghahawakan ng mga personalidad na ito upang matupad ang kanilang pangarap na nakapag pundar ng maayos at magandang bahay sa Amerika.
Pero para sa iba, ang pagkakaroon ng maayos at magarang bahay ay isang uri ng pagpupundar at ang iba ay ginawa na itong negosyo. Habang tumatagal kasi ang panahon, mas lalong nagmamahal ang presyo ng mga bahay. Mainam rin na nakapag pundar ng bahay sa ibang bansa dahil malaki ang palitan ng piso dito katulad na lamang sa Amerika. Maliban sa mga ordinaryong mga Pilipino, napili rin ng ibang mga artista ang magpundar ng kanilang tahanan sa Amerika.
Kilalanin natin ang 5 sikat na nakapag pundar ng bahay sa Amerika;
1. Kris Bernal – isa si Kris sa mga aktres na nagniningning ang bituin ngayon sa kasikatan. Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Kris sa kanyang mga tagahanga ang kanyang nabiling bahay sa California.
Ilan lamang sila sa mga sikat na personalidad sa showbiz kung saan ang kanilang kinikita ng pera, ay ginagamit at ipinundar nila sa mga bagay na alam nilang mapapakinabangan nila in the future.
2. Judy Ann Santos Agoncillo – nagsimula ang karera ni Judy Ann sa showbiz noong bata pa lamang siya, at hanggang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang mga proyekto ng aktres sa industriya. Sa tagal niya sa showbiz ay nakapag pundar si Judy Ann ng bahay sa Las Vegas Nevada.
3. Ai-Ai Delas Alas – ang actress-comedian naman ay naipundar ng bahay sa Los, Angeles California. Sa tagal niya sa industriya ng showbiz ay hindi nga naman imposible para kay Ai-Ai ang makabili ng ari-arian sa ibang bansa.
4. Manny Pacquiao – sa tugatog ng tagumpay na kanyang naabot, ay hindi nga naman imposible para kay Manny ang makabili ng ari-arian sa Amerika. Isa nga naman sa ari-ariang kanyang naipundar ay ang kanyang napakalaki at napakagandang bahay sa Beverly Hills kung saan ay binibisita ni Manny kapag siya ay may laban ng boxing sa US.
5. Piolo Pascual – gwapo, sikat, at isang magaling na actor yan si Piolo para sa kanyang mga tagahanga. Sa kanyang kasikatan ay nakapag pundar si Piolo ng bahay sa Amerika. Sa tulong ng kanyang kapatid ay nakabili ang actor ng bahay sa Las Vegas kung saan ito ay may apat na silid at ang buong bakuran ay may lapad na 10,000 sq. meter.
Hindi nga naman habang-buhay ay malakas sila na kayang magtrabaho, at hindi habang buhay ang kanilang kasikatan, kaya habang sila ay malakas pa at kumikita ay napunta ito sa bagay na may kabuluhan.
Source: Famous Trends
0 Comments