Jinkee Pacquiao, ipinasilip ang kanyang skin care routine at kung anung mga produkto ang kanyang ginagamit

Para ma maintain at maging malinis at hygienic ang ating mukha, napakahalaga ng ating pang araw araw na skin care routine. Bukod sa makapagbibigay ito sa atin ng magandang facial features, maaalis din ang mga dumi sa ating mukha.



Credit: @jinkeepacquiao instagram

Matatandaang ibinahagi na sa kanilang mga vlog ang mga skin care routine ng magkapatid na Pacquiao. Dinemo pa sa atin ni Mary at Princess ang kanilang routine. Ngayon, tignan naman natin ang sa kanilang mommy na si Jinkee.

Credit: Jinkee Pacquiao Youtube

Matapos maligo ni Jinkee sa umaga, doon na niya inuumpisahan ang kanyang skin care routine. Magsisimula siya sa paglalagay ng PCA skin facial wash, at PCA skin creamy cleanser.

Credit: Jinkee Pacquiao Youtube

Susundan ito ng PCA skin nutrient toner, Mesoestetic fast skin repair, Mesoestetic antiaging flash , PCA skin clearskin, PCA skin hydraluxe. Bukod dito, naglalagay din siya ng Rodial chin and neck lift, PCA skin rejuvinating serum at Mesoestetic collagen 360.



Credit: Jinkee Pacquiao Youtube

Medyo madami dami din ang mga ito. Matapos nito, doon na niya uumpisahan ang paglalagay niya ng make up. Sulit na sulit naman ito dahil fresh na fresh at alagang alaga ang mukha ni Jinkee.

May mga ilan tuloy na napaisip kung magkano ang mga produktong ito at halos magkano ang inaabot ng gastos niya sa skin care. May isang netizen ang nag komento ng kanyang sinearch na presyo.

Credit: Jinkee Pacquiao Youtube

“Pca skin facial wash- Php 1,672.44 Pca skin creamy cleanser- Php 1,672.44 Pca skin nutrient toner- Php 2,585.69 Mesoestetic fastbskin repair- Php 3,470.24 Mesoestetic antiaging flash- Php 3,609.05 Pca skin clearskin- Php 2,483.32 Pca skin hydraluxe- Php 7,449.95 Rodial chin and neck lift- Php 4,170 Pca skin rejuvinating serum- Php 4,662.55 Mesoestetic collagen 360- Php 4,367.18 Sinearch ko na po isa isa para sabay sabay tayong mag SANA ALL Ps. sunod sunod nayan,” saad ng isang netizen.

Samantala, tuwang tuwa naman ang ibang mga netizens sa post na ito ni Jinkee.

Credit: @jinkeepacquiao instagram

“For some unknown reason I really like her calmness… I find her vlogs entertaining… Wala kng mkitang ere… really like this woman.”

“Watching all the vlogs of pacquiao family. They’re a humble and a kind heart persons. God bless!”



Credit: @jinkeepacquiao instagram

“Jinkee seems so humble. … despite the fact that she’s a billionaire. Keep it up ♥



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments