Hero Angeles Ibinahagi Ang Kanyang Buhay Ngayon Sa Kabila Ng Kasikatan Nya Noon

Si Hero Gervacio Angeles o mas kilala ng marami sa atin bilang si Hero Angeles, ay isang Filipino Actor na unang na discover sa isang reality star search.




Siya ang nakakuha ng titulong “Grand Teen Questor”, sa first season ng popular na reality star search ng ABS-CBN na Philippines, Star Circle Quest. Matapos ang kanyang naging pagkapanalo dito ay kabilang na si Hero sa ilang mga Tv shows sa nasabing network.

Photo Credit: iamheroangeles/Instagram

Marami ang nag-akala na magtatagal sa industriya ng showbiz si Hero Angeles, dahil sa talagang naging popular din siya noon lalo na ng magclick sa mga manonood ang tambalan nila ni Sandara Park. Ngunit mas pinili ng UP Fine Art graduate na si Hero, ang gumawa ng mga arts na mas nagpapasaya sa kanya at nagbibigay kabuluhan sa buhay niya.

Photo Credit: iamheroangeles/Instagram

Dahan-dahan ngang nawala sa telebisyon si Hero Angeles, na kung saan ayon sa kanya ay nais na talaga niyang huminto sa pagiging isang artista ng mga panahong ‘yon dahil sa nais niyang mas bigyan ng pokus ang kanyang mga ginagawang arts.

Photo Credit: iamheroangeles/Instagram

Ngunit may ilan pa ring proyekto na kinabibilangan ang aktor, ito ay ng mula sa ABS-CBN Tv network ay lumipat siya sa rival network na GMA at si Master Showman German Moreno ang kanyang naging Manager.

Photo Credit: iamheroangeles/Instagram

Ilan sa mga proyektong kinabilangan niya sa GMA network tv series ay ang Luna Mystica at ang Dyesebel.

Photo Credit: iamheroangeles/Instagram

Sa ngayon, ang buhay ni Hero Angeles ay umiikot sa mga gawa niyang artworks kung saan ay may Facebook page na siya na “Artcetero” na may 20k followers na at dito niya ipinakita ang mga nagawa niyang arts at ibinahagi rin niya ang kanyang mga workshops.

Marami nga sa mga tagahanga ni Hero ang sinuportahan siya sa mga ginagawa niya ngayon, dahil talaga namang may talento ang binata pagdating sa kanyang mga ginagawang arts.

Ang fan page ni Hero ay aktibo, at dito nga ay nakikita ng kanyang mga tagahanga ang ilan sa kanyang mga ginagawang arts tulad ng kanyang mga miniature artworks. Mapapansin rin na mahilig si Hero sa pag drawing ng mga hayop at hugis.




Ilan sa kanyang mga miniature works, ay talagang nakakabilib dahil sa makikita rito ang mga disenyo tulad ng kimbap designs, burgers, fries, iba pang food preparations at mayroon pa ngang facemasks.

Hindi nga kataka-taka na may solid fan base si Hero, dahil talaga namang nakakamangha ang kanyang mga artworks.



Source: Famous Trends

Post a Comment

0 Comments