Ang pagmamahalan ay parang isang puno. Kailangan mo munang magtanim ng tiwala, at pag-ibig sa isa’t isa. Habang tumatagal ay lumalalim ang ugat nito, at sa kalaunan ay magkakaroon din ng mga bunga.
Anumang unos o bagyo, ito man ay sikat ng araw o buhos ng ulan, hindi natitinag ang puno bagkus ito ay tumitibay. Ganyan ang buhay ng dalawang taong nagmamahalan.
Na siya namang ipinakita ng actor at Ormoc mayor na si Richard Gomez at ng kanyang asawa na si Leyte representative Lucy Torres-Gomez. Matagal ng mag-asawa si Richard at Lucy. Sa katunayan, ipinagdiriwang nila ang kanilang ika dalawampu’t dalawang (22) taon ng wedding anniversary.
Bilang isang simbolo ng matibay na samahan at pagmamahalan, nagtanim sila ng isang puno sa Ormoc bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang sa 22nd anniversary nilang mag-asawa.
“Today, we marked our 22nd anniversary by planting a beautiful Dita tree. It is an evergreen, just like my love for you @lucytgomez. Thank you for being my guiding light,” saad ng IG caption ni Richard.
Bukod sa isa itong simbolo ng singtatag na puno na relasyon, isang malaking tulong din ito para sa kalikasan. Malaking bagay sa ating kapaligiran ang bawat puno na naitatanim.
Samantala, nagthrowback muna si Lucy sa mga larawan ng kanilang kasal noong 1998. Binalikan niya ang kanilang love story na kaniyang inilarawan bilang napakaganda talaga. Ayon kay Lucy, nagsimula ang lahat sa isang shampoo commercial.
“Thank you for 22, my @richardgomezinstagram. You enter a room and you just bring the sunshine in. With you, everything is just better. Know that you are my love song, every bit of that magic I ever believed in,” sambit naman ni Lucy.
Nakakatuwa at nakakakilig na makita ang mga ganito katagal at katibay na relasyon. Ipinapakita lang nito na posible at mayroon talagang taong nakalaan sa bawat isa para magmahalan magpakailanman.
Source: Trending Planet
0 Comments