Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, naghatid ng kilig sa mga netizens matapos ipasilip ang kanilang nakakakilig na ‘Spider-Man’ photosh0ot

Kabilang sa mga kinakikiligan at hinahangaang tambalan ngayon sa mundo ng showbiz at mapa telebisyon ay ang tambalan ng Kapuso actor na si Mavy Legaspi at aktres na si Kyline Alcantara.


Credit: @mavylegaspi on Instagram

Sa kanilang kakaiba at nabuong ‘chemistry’, ay hindi maitatangging ganoon na lamang karami ang kinilig at sumusuporta sa kanila ngayon.

Tila hindi lamang sa harap ng kamera makikita ang kakaibang sweetness ng dalawa, kundi pati na rin sa tunay na buhay ay nagagawa rin nilang pakiligin ang isa’t-isa.


Credit: @mavylegaspi on Instagram

Kung kaya naman ang kanilang mga tagahanga ay mas labis pa silang hinangaan at kinakiligan, lalo pa’t ng sila ay mapabilang sa pinakabagong teleserye ng Kapuso network na “I Left My Heart in Sorsogon”, na kung saan ito ay pinagbibidahan ng mga mahuhusay rin na artist ana sina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis.

Tila wala na ngang makakapigil pa sa matamis at masayang pagtitinginan ng dalawa, lalo pa’t sila ay muli na naman naghatid ng kilig sa kanilang mga fans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)


Nito lamang Sabado, January 8 ay nagbahagi sina Mavy at Kyline ng kanilang napakaganda at nakakakilig na Spiderman-themed photosh0ot.




Credit: @mavylegaspi on Instagram

Kalakip ang caption ni Mavy sa kanyang Instagram post na, “You be the Mary Jane, I’ll be your Peter Parker.”, ay mapapansin rin na nakasuot ang aktor ng isang spiderman suit.

Samantala, sa magkaparehas rin na post ay nilagyan naman ito ni Kyline ng caption na, “found my spidey.”


Dahil dito ay marami na naman sa kanilang mga fans ang kinilig at nag-iwan ng kanilang komento, kabilang na ang twin sister ni Mavy na si Cassy na nag-iwan ng katagang ”omg”

“OMGGGG BAGAY BHIEEE 😍😍😍😍😍

“Kinikilig ako sa dalawa. Soo inocent lng dating nila sakin.❤

Sa kabila man ng mga katanungan ng kanilang mga fans sa tunay na estado ng kanilang relasyon, agad naman nilinaw nina Kyline at Mavy na, “It’s a yes. It’s like friendship na relationship. There are a lot of types of relationship and kung ano meron kami ngayon, it’s really our own.”

The post Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, naghatid ng kilig sa mga netizens matapos ipasilip ang kanilang nakakakilig na ‘Spider-Man’ photosh0ot appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments