Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, naghatid ng kilig matapos ibahagi ang kanilang masayang bakasyon sa probinsiya

Magmula nang ikasal noong taong 2020, ay tila ito rin ang bagong simula para sa mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na sulitin ang kanilang bawat oras at panahon na magkasama bilang mag-asawa.


Credit: @matteog on Instagram

Matatandaan na bago tuluyang mauwi sa kasalan ang kanilang matamis na pag-iibigan, ay anim na taon rin ang binilang ng sila ay maging magkasintahan pa lamang.

At ngayon Pebrero, sa kanilang nalalapit na pagdiriwang ng ika-2 anibersaryo bilang mag-asawa, ay isang masayang adventure ang ginawa ng dalawa.


Credit: @matteog on Instagram

Tila wala na ngang pinalampas na sandali sina Matteo at Sarah na maiparamdam sa isa’t-isa ang tamis ng kanilang pag-iibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)


Tunay ngang sa kabila ng pagiging pribado ng kanilang buhay mag-asawa, ay hindi naman maitatanggi na hindi lamang sila sweet off-cam kundi maging sa kanilang bakasyon, ay nag-uumapaw rin ang ka-sweetan ng dalawa.


Credit: @matteog on Instagram

At upang masulit ang panahon na malayang makapag-travel ang mag-asawa, ay masayang adventure ang ginawa nina Matteo at Sarah sa gitna ng napakagandang tanawin na matatagpuan sa Casa Balario, Brgy. Daraitan sa Tanay, Rizal.

Nito lamang Biyernes, ika-28 ng Enero ay makikitang ibinahagi ni Matteo sa kanyang Instagram ang mga larawan na kuha mismo sa kanilang masayang nature trip.




Credit: @matteog on Instagram

Sa bawat litrato at ibinahaging video ng aktor, ay talaga namang makikita na sulit na sulit ang bakasyon nila lalo pa at makikitang enjoy na enjoy ang mag-asawa, habang nagho-horseback riding at magkasamang tinatawid ang isang ilog.

Ayon nga sa caption ni Matteo sa kanyang naturang post, “Walter the horse spent the night with us.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)


Ang masusugid na tagahanga naman nina Matteo at Sarah ay hindi rin nagpahuli sa pagbibigay ng kanilang mga komento matapos masilayan ang labis na ka-sweetan ng mag-asawa sa isa’t-isa.

“Here’s to more adventures, AshMatt!!! 😍💖


Credit: @matteog on Instagram

“Kiliiiig😍😍more more adventures together AshMatt❤❤

“One of my fave, Mr. and Mrs. G!😍❤❤❤❤❤

The post Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, naghatid ng kilig matapos ibahagi ang kanilang masayang bakasyon sa probinsiya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments