Ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann “Juday” Santos, ay isa lang naman sa mga hinahangaan na celebrity couple ngayon sa mundo ng showbiz. Mula sa kanilang pagiging isang mabuti at responsableng magulang sa kanilang mga anak, ay hindi kataka-takang ang kanilang pangalan ay isa sa mga tinitingala ngayon ng karamihan.
Credit: @officialjuday on Instagram
Abril ng taong 2009 nang ikinasal sina Juday at Ryan sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas na talagang nagpatunay sa kanilang wagas na pagmamahal para sa isa’t-isa.
Sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, ay biniyayaan ng mga supling ang dalawa at ito nga ay ang kanilang mga anak na sina Lucho na 11 taong gulang at si Yohan na 17 taong gulang.
Credit: @officialjuday on Instagram
Ngunit maliban kina Yohan at Lucho, ay dumating rin sa buhay nina Juday at Ryan ang kanilang bunsong anak na si Juana Luisa o mas kilala sa palayaw nito bilang si Luna na siya namang nagdiwang ng kanyang kaarawan nito lamang ika-8 ng Enero.
Credit: @officialjuday on Instagram
Sa mismong espesyal na araw na ito sa buhay ni Luna, ay tila isang simple at masayang selebrasyon naman ang inihanda nina Juday at Ryan para sa ika-6 na kaarawan ng kanilang anak.
Credit: @officialjuday on Instagram
Sa katunayan, ay tila hindi na nga kelangan pa ni Judy Ann na mag-isip ng magiging motif ng birthday ng kanilang bunsong anak, dahil ayon mismo sa aktres ay si Luna mismo ang siyang pumili ng kanyang magiging birthday theme, at birthday cake pati na rin ang kanilang naging cute family outifit.
Maliban pa diyan ay si Luna rin daw umano ang pumili ng kanilang magiging pagkain at ang kanyang piñata.
View this post on Instagram
Aniya, “Our baby girl. months before her birthday, chose her own theme, visited Pinterest app for the design of her own cake and piñata, decided what types of food she wants from mcdo, and chose the designs of our matchy matchy shirts.”
Dahil dito ay wala na nga nagawa sina Juday at Ryan dahil ayon pa sa kanya, “Wala na kaming ibang ginawa kundi orderin at bayaran.”
Credit: @officialjuday on Instagram
Sa Instagram, ay makikita ang masayang pagdiriwang ng birthday ni Luna na kanilang ginawa mismo sa loob kanilang tahanan.
Makikitang isang cute na Roblox theme ang naging birthday celebration ng kanilang bunsong anak, na sinamahan pa ng ilan sa mga masasarap na Roblox customized cake.
Credit: @officialjuday on Instagram
Tila ang 6-year-old na si Luna ay hindi lamang sweet at loving daughter and sister sa kanilang pamilya, kundi isa ring matalino at independent na bata.
Mensahe ng aktres, “That’s our 6 year old baby girl… super independent, smart, funny, sweet, loving lunnie bunny. happy birthday our dearest potpot. We love you with all our heart. Mommy and daddy will be with you every single step of the way.”
The post Judy Ann Santos, ipinasilip ang masaya at makulay na kaarawan ng kanyang napaka cute na bunsong anak na si Luna appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments