Muli na namang naghatid ng kilig sa maraming kababaihan ang aktor at matinee idol na si Jericho Rosales. Si Jericho “Echo” Vibar Rosales ay 42 taong gulang na aktor, modelo, at mahusay na surfer.
View this post on Instagram
Ngunit sa kabila ng kanyang natatanging talento sa pag-arte, ay marami rin naman ang siya ay hinahangaan bilang isang makisig at gwapong kalalakihan.
Kaya hindi kataka-taka na marami sa mga kababaihan ang sa kanya ay humahanga, at bukod pa diyan ay hinangaan rin sa pagiging isang masipag at mapagmahal na asawa sa kanyang misis na isang Filipina-British TV host na si Kim Jones.
Naganap ang pag-iisang d!bdib nina Echo at Kim noong ika-1 ng Mayo taong 2014, na siyang ginanap ang kanilang garden wedding sa Shangri-La’s Boracay Resort & Spa.
Sa loob ng pitong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, ay talaga nga namang makikita na hindi lamang napamahal si Echo sa kanyang asawa, kundi pati na rin sa simple at payapang buhay nila ngayon sa napakagandang lugar sa La Union.
Tunay ngang nakakadagdag pogi points sa isang mister ang marunong rin sa mga gawaing bahay, kaya naman si Echo ay hindi lamang aktor at surfer kundi isa ring dishwasher sa kanilang bahay.
Ayon nga sa kasabihan na ‘The best way to a man’s heart is through his stomach’, ay siya ngayong pinatunayan ni Echo sa kanyang latest video na ibinahagi sa Instagram.
Kung ang kanyang misis na si Kim ang siyang nakatoka sa pagluluto ng kanilang mga pagkain, tila ang aktor naman ang siyang nakatoka pagdating sa hugasin.
Sa nasabing video ay makikitang naghuhugas ng kanilang mga pinagkainan si Echo, habang nakasuot ng isang puting damit at apron.
View this post on Instagram
Habang hinuhugasan ang mga pinggan na kanilang pinagkainan, ay mapapansin ring napapaindak at napapakanta pa si Echo na tila sinasabayan ang awitin na maririnig sa kanyang video.
Sa video na ito ng aktor ay maraming mga netizens ang kinilig, at mayroon rin naman sa mga sikat na personalidad sa showbiz ang nagbigay rin ng kanilang mga komento at sinabing may ibang pahiwatig ang paghuhugas na ginawa ni Echo.
Talaga nga namang mas lalo pang dumami ang mga kababaihang na-inlove sa kanya, hindi lang dahil sa kanyang likas na kagwapuhan kundi pati na rin sa kanyang kasipagan.
The post Jericho Rosales, natural ang pagiging masipag na kitang kita sa kanyang paggawa ng gawaing bahay appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments