Angeline Quinto, dinitalye ang kanyang pinagdadaanan at mga pagkaing pinaglilihian kasabay ng kanyang ika-5 months na pagbubuntis

Malaking bahagi ng isang pagbubuntis ay ang paglilihi bukod sa nararamdamang mood swings at morning s!ckness. Kadalasan, ang mga naglilihi ay naghahanap ng mga kakaibang pagkain, at kung minsan naman ay kanilang inaayawan ang mga dati nilang paborito na kinakain.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Tunay ngang hindi madali ang pinagdadaanan ng mga buntis, lalo pa kung ito ang iyong unang beses.

Kaya naman maging ang mga celebrity moms ay dumaraan rin sa paglilihi, tulad na lamang ang soon-to-be mom na si Angeline Quinto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Matatandaan noong Disyembre ng nakaraang taon ng ibahagi ni Angeline sa kanyang mga tagasubaybay ang isang magandang balita na siya nga ay magiging ganap ng ina.

Pinangunahan man ng magkahalong saya, takot at kaba ang singer, ay hindi naman rito natatapos ang masayang pagbabahagi ni Angeline ng kanyang pregnancy journey.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

At bahagi ng kanyang pagbubuntis ay ang nadaramang paglilihi na kung saan ay ibinahagi nya sa kanyang previous vlog, ang mga pagkain na kanyang pinaglihian tulad na lamang ang puting kanin, singkamas, buko at vanilla ice cream.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Maliban nga sa mga ito ay tila may bago na namang cravings si Angeline na siyang ibinahagi niya sa kanyang latest vlog.

Kahit na 25 weeks ng buntis ang singer ay hindi pa rin raw nawawala ang kanyang mga food cravings, na siya namang ikinakagulat pa rin lalo na sa madaling araw.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kwento ni Angeline, “nagugulat ako sa sarili ko kasi minsan nagigising ako ng mga 5am, tapos parang ganung oras gusto ko kumain ng lumpiang togue.”

Dagdag pa niya, “tinatanong ko nga yung baby ko ‘’yun talaga yung gusto mo kainin?’”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kaya naman ngayon ay tila cravings satisfied nga naman talaga ang soon-to-be mom na si Angeline, dahil ang mga pagkain lang naman na kanyang pinaglilihian ngayon ay ang shawarma, barbeque, ube pandesal, cheetos, green tea latte, taho, papaitan na baka at roasted chicken.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Maliban pa diyan ay naibahagi rin ni Angeline, na minsan raw ay hinahanap rin niya ang biskwit na marie at ube langka na pastillas.

Tila hindi lamang happy mommy si Angeline ngayon sa kanyang mga food cravings, kundi happy rin ang kanyang tummy at happy rin si baby.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Pagbabahagi ni Angeline, “Napakasaya din talaga ng journey na ‘to, yung journey ko sa pagbubuntis, kasi masasabi ko na nah!rapan talaga ko nung 2nd month hanggang 3rd month, dahil yun yung panahon na sobra akong nakaramdam ng morning s!ckness.”


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

“Sobrang blessed ko din sa mga tao na nandyan para sakin, sa mga nanay ng mga kaibigan ko. Kasi kapag may mga tanong din ako or hindi naiintindihan, sa kanila ko tinatanong bukod sa doctor ko,” dagdag pa niya.

The post Angeline Quinto, dinitalye ang kanyang pinagdadaanan at mga pagkaing pinaglilihian kasabay ng kanyang ika-5 months na pagbubuntis appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments