Roxanne Barcelo, ipinakilala na sa unang pagkakataon ang kanyang foreigner na asawa na si Jiggs

Makalipas nga ang ilang buwan mula  ng isilang ng aktres na si Roxanne Barcelo ang panganay na anak nila ng kanyang asawa.


Credit: @roxannebarcelo on Instagram

At kung madalas masilayan ng publiko sa kanyang social media account ang mga larawan ng kanyang napaka-cute na baby boy na si Cinco, ay kapansin-pansin rin naman ang pagiging mistery0so ng kanyang asawa, sa kadahilanang mas pinili ni Roxanne na gawing pribado ang katauhan ng kanyang mister.

Kaya naman sa bawat litratong ibinabahagi ni Roxanne sa kanyang socmed account, ay nagmistulang inilarawan ito ng aktres bilang si “Papa Panda”, na siya namang nagbigay ng kakaibang mistery0 sa kanyang mga tagahanga.


Credit: @roxannebarcelo on Instagram

At ngayon sa unang pagkakataon, ay isinapubliko na ng aktres ang kanyang foreigner husband na tinawag niya bilang si Jiggs.

Tila ba ang kanyang pangalan na Papa Panda, ay talaga nga namang Papa Pogi sa kagwapuhan, matapos ibahagi ni Roxanne ang kanilang larawan buong pamilya.




Credit: @roxannebarcelo on Instagram

Sa kanyang Instagram post nito lamang Miyerkules, December 22 ay ibinahagi ng aktres ang isang larawan, na kung saan ay makikita mula rito ang pisikal na hitsura ng kanyang napangasawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)


“You are worth the wait” Ganyan nga Inilarawan ni Roxanne ang kanyang asawa na si Jiggs, na ayon pa sa kanya ay ipinagdasal lang niya noon na siya ay makatanggap ng tunay na kaligayahan, ngunit ngayon siya ay binigyan ng tunay na ligaya at pag-ibig.

Aniya, “When I prayed for happiness, the heavens blessed me with true joy and love.”

Dagdag pa niya, It is my honor and privilege to be your wife, Jiggs. I am forever grateful for the day you asked me to start a family with you. Thank you for your unconditional love. I love and adore you and @dababycinco with all that I am.”


Credit: @roxannebarcelo on Instagram

Sa kabila nito, ay una na ring nagbahagi ng ilang mga sweet pictures si Roxanne habang kasama ang kanyang asawa sa ibang bansa, ng ito ay kaniyang batiin sa kanilang ika-2 anibersaryo na magkasama.

Mensahe ni Roxanne, “Happy Anniversary, aking Mahal. Thank you for the best two years of my life. You are so worth the wait. Wǒ ài nǐ.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)


Dahil dito ay marami naman sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang nagbigay ng kanilang komento at pagbati para sa aktres.

Isa na rito ay sina Marian Rivera, Arci Muñoz, Chynna Ortaleza, Bea Binene, Dianne Medina, Kakai Bautista, Yasmien Kurdi at marami pang iba.

The post Roxanne Barcelo, ipinakilala na sa unang pagkakataon ang kanyang foreigner na asawa na si Jiggs appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments