Pauleen Luna, masayang ibinahagi ang kanilang napakalaking pamilya na nagdiwang ng kapaskuhan ng sama-sama

Matatagpuan ang tunay na diwa nang pasko sa mga pamilyang di kinakalimutan ang kabuuan nito. Tuwing araw ng pagkasilang ng ating Hesus na Panginoon, ay sadya ngang ipinipilit natin ang buong pamilya na magkasama sama, hindi lang ng simpleng tatay, nanay, at mga anak.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Kundi pati na din ang ating mga lola, lolo, pinsan mga tita at tito at marami pang iba. Ang makarating sa gantong okasyon ay talaga nga namang nakakatuwa sapagkat muli ngang nagkaka kita kita ang mga malayo at malapit mong kamag-anak.

Ang ilan pa nga ay makikilala mo pa lamang dahil na din sa minsanan lamang itong nagaganap, ang ilan ay di mo na makikila dahil marami na rin ang pinag bago. Nakakatuwa ngang talaga ang pagkikita-kitang ganito.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Sa isang post ni Pauleen Luna Sotto ay makikita ang pamilya Sotto na nagkasama-sama. Ani nito sa kanyang caption na talagang nagpakita nang kanyang kagalakan na makasama ang ganitong kalaking pamilya, “Our big family. Last night was all about love! It was so fun!!! So so happy to see everyone again after a long time and I am happy to see that everyone is well and healthy. Blessings, love and peace for everyone! God is so good”.


Napakarami nga nila at kita ang saya sa kanilang mga ngiti habang nakatingin sa kamera. Kahit wala silang iisang tema ng kulay para sa picture na ito ay talaga ngang makikitaan parin ng ganda, dahil nadin sa mga naggagandahan at nag gawapuhang myembro ng pamilya.




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Sa gitna ng larawan ay naroroon si Tito Sotto at ang kanyang maybahay na si Helen Gamboa na talaga namang blooming sa kanyang red dress.

Marami nga rin sa mga netizen ang bumati sa kanila, at nakisalo sa kanilang kasiyahan. Ang ilan naman ay hinanap ang ilan pang myembro ng kanilang pamilya, gaya ni Vico Sotto na anak ni Vic Sotto sa isang award winning aktres na si Coney Reyes.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Sa kulturang pinoy ay matagal ang pagdiriwang ng pasko. Kung kaya maaring ang isang araw para i-celebrate ang ganitong okasyon ay talaga nga namang inaasahan, marahil ito’y galing na rin sa kahalagahan ng pagsa-sama sama para sa ating mga Pilipino.

The post Pauleen Luna, masayang ibinahagi ang kanilang napakalaking pamilya na nagdiwang ng kapaskuhan ng sama-sama appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments