JC de Vera, ikinasal muli sa kanyang asawa na si Rikkah Cruz sa isang napakagandang church wedding ceremony

Makalipas ang tatlong taon mula ng sila ay ikasal sa isang civil wedding ceremony, sa wakas ay natuloy na ang planong pagpapakasal sa simbahan, ng aktor na si JC de Vera sa asawa nito na si Rikkah Cruz-de Vera.


Credit: @akosijcdeberat on Instagram

Noong September 21, 2021, ay naganap na nga ang pag-iisang dibdib nina JC at Rikkah na dinaluhan ng ilan sa kanilang mga kaibigan at kapamilya.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC de Vera (@akosijcdeberat)


Matatandaang nauna nang sinabi ng aktor na nagkaroon na sila ng isang civil wedding ng kanyang asawa, bago pa lamang dumating ang kanilang three-year-old na anak na si Lana Athena noong taong 2018.

Ito ay kanyang inanunsyo sa vlog ng aktres na si Erich Gonzales, na ayon sa kanya ay matagal na umanong nakatakda ang kanilang pagpapakasal sa simbahan, ngunit dahil sa pandemya ay naantala at na-move ang mismong petsa ng kanilang pagpapakasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


Aniya, “Ang nangyari kasi diyan dapat inuna talaga namin ‘yung civil wedding tapos lumabas si Lana then right after lumabas si Lana dapat mag-church wedding na kami, eh nagka-pandemic so na-move ulit sometime this year.”


Credit: @gideonhermosa on Instagram

Na-move man ang kanilang kasal, tila ngayon ay naging bongga naman ang kinalabasan ng kanilang venue, dahil kahit “last minute” ang naging preparasyon sa kanilang kasal ay nairaos ito ng maayos, na nagresulta pa nga sa isang napakagandang “celestial themed” sa tulong ng kanilang International Floral & Event Designer na si Gideon Hermosa.


Credit: @akosijcdeberat on Instagram

Nagmistulang makulay at maliwanag ang selebrasyon matapos ang kasalan, na siyang kitang-kita naman magmula pa lamang sa mga makukulay na disenyo na sinamahan ng amaranthine floral-themed, hanggang sa mala galaxy-inspired look na kanilang venue ay mapapamangha ka na talaga sa napakagandang set-up nito.


Credit: @akosijcdeberat on Instagram

Ayon sa aktor, “We had to change venue the last minute and he was given 10 days to plan and execute and 1 day for ocular. No presentations, no mood boards. Just a surprise Gideonized wedding. You are amazing.”



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gideon Hermosa (@gideonhermosa)


Mula sa kanilang mga wedding photos na inilabas ng Nice Print Photo ay makikita si Rikkah na nakasuot ng isang long trail wedding gown habang si JC naman ay nakaputing Tuxedo.

Mayroon rin namang mga sweet photos ang mag-asawa na siyang makikita ang ilan sa kanilang mga kuha, sa mismong wedding ceremony sa San Antonio De Padua Parish Church sa Pooc, Silang, Cavite.

The post JC de Vera, ikinasal muli sa kanyang asawa na si Rikkah Cruz sa isang napakagandang church wedding ceremony appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments