Bagong silang na anak nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto na si Baby Vittorio Isaac, masayang naka-bonding ang kanyang lola

Labis ang tuwa at saya ngayon ng celebrity couple na sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, sa pagdating ng kanilang ikalimang anak na si Baby Vittorio Isaac.



Matatandaan na noong December ng nakaraang taon bago ang kanilang 10th wedding anniversary, ay masayang ibinalita ng mag-asawa sa publiko na sila ay magkakaroon ulit ng anak. At ngayong August 3, na nga ay masayang sinalubong ng celebrity couple kasama ang online world ang pagdating ng kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)


Hindi magkamayaw sa tuwa ang nararamdaman ngayon ng mag-asawa na may bago ulit supling sa kanilang pamilya. Ayon kay Kristine ay isang napakagandang biyaya mula sa Panginoon ang pagdating ni Baby Vittorio sa kanilang buhay. Aniya, “you are a beautiful blessing and another reminder of His faithfulness. You are a miracle.”

Ngayon na makakasama na nila si Baby Vittorio, ay marami naman sa kanilang mga pamilya at kaibigan ang nagbigay ng kanilang pagbati para sa mag-asawa. At ang ilan pa ay hindi na mapigilan ang kanilang pagka-excite na masilayan at makita ang kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)


Tulad na lamang ang ina ni Kristine na si Maria Alma Hermosa-Orille, ay tuwang-tuwa ng mabuhat ang kanyang bagong silang na apo. Sa larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account, ay makikita ang gwapong anak nina Kristine na buhat-buhat ng kanyang ina at tulad ng mga fans ay makikita rin ang tuwa sa mukha nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)


Ayon sa kanyang inilagay na caption, “Mommy Lola & the morning sun ☀❤👶🏻 #Isaac” Sa cute na litratong ito ng mag-lola, ay bumuhos naman ng komento mula sa kanilang mga tagahanga at halos karamihan sa kanila ay pinuri ang magandang mukha ng ina ni Kristine, lalo na ang kagwapuhan ni Baby Vittorio.

“Super ganda ng lola and pogi ni baby 😍



“Your mom is ageless and beautiful just like you K! Hola Isaac! 😍❤🤗 cutieee😍

“Ang cute ng baby at ang lola ang ganda parang teenager lng😍

“Ka guwapo ni Baby !!! ❤😍 Ka guwapa sa Lola!! 😍❤

The post Bagong silang na anak nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto na si Baby Vittorio Isaac, masayang naka-bonding ang kanyang lola appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments