Kiray Celis, sinorpresa ang ama ng isang money cake na nagkakahalaga ng P62,000 bilang kanyang regalo sa ika-62nd birthday nito

Isa ang aktres na si Kiray Celis sa nagpatunay na ‘Family is Love’, at ang pamilya ang siyang ating kaagapay sa hirap at ginhawa. Kinilala si Kiray sa kanyang husay pagdating sa pagiging isang aktres at hindi rin maitatanggi, na marami rin siyang napapasaya dahil sa kanyang natural na pagiging kwela sa harap at likod man ng kamera.


Credit: @kiraycelis on Instagram

At sa bawat sipag at tiyaga na ibinubuhos ng aktres sa kanyang trabaho, ay siyang inaalay naman nya ang lahat ng ito sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga magulang. Hindi lamang mahusay na aktres si Kiray, kundi isa ring mapagmahal na anak at kapatid sa kanyang pamilya.

Kaya hindi kataka-taka na umaapaw ang kanyang mga natatanggap na blessings, at ibinabahagi ang mga ito sa ibang tao. Patunay lamang na si Kiray ay talagang mapagmahal at mapagbigay sa kanyang pamilya, ng sa tuwing magkakaroon ng espesyal na okasyon sa kanila, ay hindi siya nagdadalawang-isip na magbigay ng regalo.




Credit: @kiraycelis on Instagram

Kaya naman sa ika-62nd birthday ng ama ni Kiray ay bumuhos muli ang paghanga para sa aktres, ng kanyang regaluhan ang ama ng isang money cake na nagkakahalaga ng P62,000.

Matatandaang ginawa rin ito ng aktres ng magdiwang ng kaarawan ang kanyang ina, at niregaluhan niya ito ng litson at lobo na naglalaman ng P56,000 para sa ika-56th birthday nito.


Credit: @kiraycelis on Instagram

At ngayon na kanyang ama naman ang nagdiriwang ng kaarawan nito, ay isang munting sorpresa ang inihanda ni Kiray para sa kanyang ama. Ngunit bago ang naturang sorpresa ay naghanda muna ng isang prank si Kiray, bago ibigay ang tunay na money cake na naglalaman ng pera.


Credit: Kiray Celis Youtube Channel

Sa panibagong video ng aktres sa kanyang YT channel ay ibinahagi niya ang naganap na surprise at prank sa kanyang ama. At sa pamamagitan ng 2 money cake ay dito niya isinagawa ang planong prank, na makikitang sa unang cake ay hindi pera ang nahugot ng kanyang ama kundi isang birthday greeting. At sa sumunod na cake ay hindi pa rin pera ang lumabas kundi naglalaman naman ito ng ‘Happy Peanuts’.

At nang tanungin ni Kiray ang ama kung ano ang reaksyon nito sa kanyang inihandang prank, ay agad itong sinagot ng kanyang ama at sinabing, “nakakatuwa na hindi”.

Kaya naman hindi na nagdalawang isip si Kiray at inilabas na ang kanyang sorpresa na siyang literal na money cake, na naglalaman ng P62,000. Sa munting sorpresang ito ni Kiray, ay siyang labis na kasiyahan naman ang kapalit na naramdaman ng kanyang ama.




Credit: Kiray Celis Youtube Channel

Hangad ni Kiray para sa kaarawan ng kanyang ama ay ang malusog at malakas na pangangatawan, at mas mahabang buhay pa para sa kanyang mga magulang.

“Ang wish ko kay Papa, pinakamahalaga ngayon talaga yung healthy silang dalawa ni Mama and long life,”

The post Kiray Celis, sinorpresa ang ama ng isang money cake na nagkakahalaga ng P62,000 bilang kanyang regalo sa ika-62nd birthday nito appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments