Coleen Garcia, ipinakita ang kanilang cute na twinning photo kasama ang kanyang anak na si baby Amari

Mula pa man noon, lahat tayo ay lagi ng nakaabang sa kwento ng tambalang “BiCol” o mas kilala bilang Billy Crawford at Coleen Garcia.

Nagsimula lamang ang lahat sa It’s Showtime na kung saan sila ay mas nagkakilala at nagkamabutihan. Sa katagalan, sila ay naging opisyal na magkasintahan. Dito ay mas lalong nakilala nila ang isa’t-isa at mas lumalim ang kanilang pagmamahalan.




Credit: Coleen Garcia Crawford on Instagram

Iyan nga naman ang simula ng lahat. Hanggang sa sila ay ikinasal at dumating ang malaking blessing sa kanilang buhay na si Baby Amari. Talaga namang napaka cute at bubbly ni Baby Amari. Manang mana nga naman siya sa kanyang mga magulang.

Makikita naman sa IG ni Billy at Coleen ang update at mga latest photos ni Baby Amari. Todo nga naman sa pag pose at pag smile si baby kaya naman talagang marami ang tuwang tuwa sa kanya.


Credit: Coleen Garcia Crawford on Instagram

Talaga namang napaka adorable ni baby. Mas cute at adorable naman ang latest IG post ni Coleen. Sa kaniyang post, makikita ang twinning picture nila ni Baby Amari.

Suot ang black checkered long sleeves at white sando na panloob ay nagterno ang mag-ina sa kanilang outfit. Kaya naman, panibagong cute picture na naman nila ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Napakablessed nga naman ni Amari sa kanyang mga magulang. Bukod sa naibibigay nila ang lahat ng kanyang pangangailangan, nag-uumapaw din sa pagmamahal, oras at atensyon si Billy at Coleen sa kanya.

Kaya naman, bawat oras ay sinusulit nila lalo na ngayon na napakabilis lang ng oras ng kanyang paglaki.


Credit: Coleen Garcia Crawford on Instagram

Narito naman ang mga komento ng mga netizens ukol dito:

“Ang cute ni baby Amari .naman sobra ang cute talaga naman 🤩😘🥰

“Sobrang cute ng anak nyo coleen .. nakakatuwa very smart kung ngumiti sa camera.”




Credit: Coleen Garcia Crawford on Instagram

“Super cute sobrang kamukha ni coleen na sobrang ganda parang diyosa.”

“Cute din si Billy nung kabataan nya kya iba ang charisma ng kacutetan ni Amari.”

“Ang cute talaga ni baby amari mana sa ina god bless family Crawford.”

The post Coleen Garcia, ipinakita ang kanilang cute na twinning photo kasama ang kanyang anak na si baby Amari appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments