KC Montero, masayang nakipagkulitan at nakipagtawanan sa kanyang napakacute na anak na si baby Wyatt

Kung si KC Montero ay nakitaan ng karamihan sa kaniyang galing pagdating sa pagiging isang host at aktor ay tiyak na isa ka din sa kaniyang napabilib pagdating naman sa pagiging isang butihing ama sa kanilang panganay na anak ni Stephanie Dods na si Baby Wyatt Cody.


Credit: @kcmontero on Instagram

Ilang buwan pa lamang ang siyang nakakalipas ng isilang ni Stephanie ang napaka-cute na si Baby Wyatt noong December 14, at ang kaniyang pagdating sa buhay nilang mag-asawa ang nagbigay ng karagdagang kasiyahan sa kanilang pamilya ngayon.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by kc montero (@kcmontero)


Sa tamis ng kanilang mga ngiti at masayang pamilya ay sabay nating kilalanin at alamin ang kasiyahang naibibigay ng napaka-cute na si Baby Wyatt sa kanilang pamilya.

Kahit baby pa lamang ay hindi na maitatanggi ang pagiging hands-on Daddy ni KC sa kaniyang anak at bahagi nga ng kanilang bonding time mag-ama ay tinuturuan na nito si Baby Wyatt patungkol sa subject na Science.

Kapansin-pansin din na tila’y hindi pa man naiintindihan ang tinuturo ng kaniyang Daddy ay naka-focus pa din ang atensyon nito sa kanyang sinasabi.


Credit: @kcmontero on Instagram

Maliban sa kanilang study lesson, ay tila’y may mga oras din silang inilalaan upang makipaglaro sa isa’t-isa.

At isa nga sa mga ito ang kanilang cute video na kung saan ay makikitang nakikipaglaro si KC sa kaniyang anak sa pamamagitan ng kanilang peek-a-boo session at habang ginagawa nya ito ay kapansin-pansin naman ang napaka-cute na reaksyon ni Baby Wyatt na tila’y hindi mapigilan ang kaniyang munting ngiti at halakhak habang nakikipaglaro sa kaniyang Daddy KC.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kc montero (@kcmontero)


“Anybody for a round of peek-a-boo? Then just some random screaming? Let’s play!”

Sa munting halakhak pa lamang ni Baby Wyatt ay mahahawa ka na sa kaniyang mga tawa na siyang nagbigay kasiyahan din sa kaniyang mga magulang.


Credit: @kcmontero on Instagram

Dahil sa cute bonding na naganap sa kanilang mag-ama ay umani naman ito ng komento mula sa mga netizens at ang ilan sa kanila ay natawa at nahawa sa reaksyong ipinakita ni Baby Wyatt.

“I love hearing Wyatt’s laughing 😂

“He’s soooo adorableee 😍😍



 

View this post on Instagram

 

A post shared by kc montero (@kcmontero)


“Lav this baby 😍

“He is so heart melting 😍

Ikinasal si KC at Stephanie noong September taong 2019 sa United States.

The post KC Montero, masayang nakipagkulitan at nakipagtawanan sa kanyang napakacute na anak na si baby Wyatt appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments