Anak ni Ryza Cenon na si baby Night, cute na cute sa kanyang suot kasabay ng kanyang ika-4 na buwang selebrasyon

Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas nang isilang ng celebrity Mom na si Ryza Cenon ang kanilang gwapong panganay na si Baby Night sa kaniyang partner na si Miguel Antonio Cruz.

At ngayong buwan nga ng Marso ang siyang ika-apat na buwan ni Baby Night at sa bawat araw at panahon na lumilipas ay mas lalong lumalabas ang angking kagwapuhan nito magmula sa kaniyang mga larawan na makikita sa social media.




Credit: @iamryzacenon on Instagram

Kaya naman hindi rin nagpahuli si Baby Night at ngayon na siya ay nagdiriwang ng kaniyang ika-4 months, ay makikita naman ang napaka-cute nyang kasuotan na Kimono na isang Japanese outfit.

Sa Instagram account ng kaniyang Mommy Ryza ay makikita ang kaniyang larawan habang suot-suot ito na sinamahan pa ng bandana sa kanyang ulo at ang kaniyang napaka-cute na ngiti na aakalain na siya ay isang Hapon dahil sa pagka singkit ng mga mata nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


“Watashi wa! 😍😘 Happy 4 months my love! Thank you ninong @jopodelloro sa outfit ni Night!”

Mula sa kaniyang napaka-cute na kasuotan ay marami naman ang natuwa at nagbigay ng kanilang komento patungkol kay Baby Night.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

“Para ngang hapon ang baby na ito..😊 Dapat po konnichiwa!Watashi wa po is I am..😊🙂

“Hahaha cutiepieeeeeeeee 😍😍😍

“Super cute ni baby night! 😍 Kakatuwa naman.”




Credit: @iamryzacenon on Instagram

“Hahhaha ang cute naman niyang batang yan!!!!!!! Bakit kasi ang bilog!!!! 😍

“Cuteee ni night..bagay sa kanya mukha siyang hapon”

Maliban sa kaniyang kasuotan na Kimono ay makikita din naman si Baby Night na nakasuot ng pang baby na formal attire at tila`y isang Boss ang kaniyang naging datingan na bumagay sa kaniya at aakalain na siya ay may-ari na ng isang kompanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Ngunit ang Boss na ito na si Baby Night ay hindi lang basta Boss dahil kapansin-pansin din na siya ay nakasuot din ng isang sunglass habang prenteng nakaupo sa kanilang Sofa.

“My real boss baby with taas kilay pa. @iamnightcruz”

The post Anak ni Ryza Cenon na si baby Night, cute na cute sa kanyang suot kasabay ng kanyang ika-4 na buwang selebrasyon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments