Lyca Gairanod, nagbigay ng surpresa sa kanyang lola na nagdiwang ng kanyang ika-86 taon na kaarawan

Isa namang masayang selebrasyon ng kaarawan ang siyang inihanda ng mahusay na singer na si Lyca Gairanod sa kaniyang pinakamamahal na Lola, na siyang nagdiriwang ng ika-86 na kaarawan nito.

Sa panibagong vlog ni Lyca ay makikita ang kaniyang ginawang paghahanda para sa kaarawan ng kaniyang Lola, at hindi naman papayag ang singer na hindi nila ito maipagdiwang ng kanilang pamilya.



Credit: Lyca Gairanod Youtube

Kaya naman bago matapos ang araw ng kaarawan nito, ay naisipan ni Lyca na bilhan ang kaniyang Lola ng isang masarap na cake na siyang labis na magugustuhan nito.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Kasama ang kaniyang kapatid sa pagbili, matapos makuha ang cake na kaniyang napili ay naisipan ni Lyca na bilhan din ng isang dress ang kaniyang Lola, upang ayon sa kaniya ay maging mas maganda ito sa kaniyang espesyal na kaarawan.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

At pag-uwi sa kanilang tahanan, makikita naman ang gulat at tuwa sa mukha ng kaniyang Lola nang makita ang cake na hawak nito habang siya ay kinakantahan ng maligayang kaarawan.

Credit: Lyca Gairanod Youtube

Simple man ang naging selebrasyon na ito ay malaki pa din ang pasasalamat ng kaniyang Lola sa pag-alala at sa regalong ibinigay ni Lyca at ng kaniyang pamilya para sa kaniyang kaarawan.

Ngayon at 86 na ang Lola ni Lyca, ang tanging hiling lang nito para sa kaniyang kaarawan ay nawa`y maabutan pa niya ang kaniyang magiging susunod na apo.

Isa naman sa mga birthday wish ni Lyca, pati na rin ang kaniyang kapatid at ina ay ang mas humaba pa ang panahon na makakasama nila ang kanilang Lola at mas maging malakas pa ito upang mas matagal pa nila siyang makasama.



Credit: Lyca Gairanod Youtube

Hindi man malaki at magarbo ang kanilang naging selebrasyon, ang pagdiriwang ng magkakasama at simpleng selebrasyon kasama ang pamilya ay sapat na upang mag-iwan ng isang masayang ala-ala na kanilang babaunin habang buhay.

The post Lyca Gairanod, nagbigay ng surpresa sa kanyang lola na nagdiwang ng kanyang ika-86 taon na kaarawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments