Jillian Ward, tumanggap ng napakaraming cake at regalo sa araw ng kanyang kaarawan

Isa ang Kapuso actress na si Jillian Ward sa mga hinahangaan ng publiko hindi lamang sa kaniyang kagandahan kundi pati na rin sa kaniyang husay pagdating sa pag-arte, lalo na ng kaniyang gampanan ang pagiging Donna Marie sa teleseryeng Prima Donnas.

Dahil sa kaniyang ipinakitang galing ay hindi kataka-taka na si Jillian ay marami ding tagahanga.



At ngayon na siya ay nagdiriwang kaniyang sweet 16th birthday na ginanap noong February 23, ay hindi mo aakalain na ganoon pala kadami ang humahanga at sumusuporta sa aktres.

Patunay nga nito ay ang masayang kaarawan ni Jillian at sino ang mag-aakala na halos mapuno na ang kanilang bahay ng mga regalo na ibinigay sa kaniya noong kaniyang kaarawan.

Ang makatanggap ng isang birthday cake ay iba na ang sayang hatid, ngunit ang makatanggap ng napakarami at iba`t-ibang klase ng cake ay talagang mas nakakataba ng puso.

Tila`y hindi maipaliwanag ni Jillian ang labis na kasiyahan at gulat na naramdaman matapos makatanggap ng mga regalong cake para sa kaniyang ika-16th birthday.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


💜 I am SO HAPPY!! I’m on cloud nine!! 💜 What a happy birthday! 🥰 Thank you everyone for taking the time to share your talent in art through baking me a cake.”

Hindi lang basta birthday cake ang mga ito, dahil ito lang naman ay mga customized cake na siyang inspired sa mga paboritong gamit at cartoon character ng aktres.



“Thank you for making my birthday extra fragrant and colorful! These are rav!shing. 💐💜

At tila`y hindi lamang birthday cake ang kaniyang natanggap dahil bukod rito ay pinadalhan din sya ng samu`t-saring bulaklak at mga masasarap na pagkain.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jillian Ward (@jillian)


“Again, thank you for all your gifts! I’m grateful.💜 Since I’m done posting all the cakes and flowers, it’s time for food! Thank you for cooking me such delicious meals for my birthday. I’m so satisfied!”

At inabutan man ng pandemya ang kaniyang kaarawan, ramdam na ramdam pa din ni Jillian ang labis na pagmamahal at suporta ng kaniyang mga taong napapasaya ngayon.

The post Jillian Ward, tumanggap ng napakaraming cake at regalo sa araw ng kanyang kaarawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments