Jennylyn Mercado, masayang nakakasama sa pagbibisikleta ang napakagwapo nyang anak na si Alex Jazz

Isa sa mga napakagwapong celebrity kids na kilala nating lahat ay ang anak ni Jennylyn Mercado at Patrick Garcia na si Alex Jazz.

Ipinanganak si Alex Jazz noong August 16, 2008. Parang kailan lang noong umugong ang balita na buntis si Jennylyn hanggang sa naipanganak na nga niya ang napakagwapong batang ito.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)


At ngayon, halos 13 years na ang nakalilipas ito. Kaya naman ngayon ay 12 years old na si Jazz na talaga namang patunay na napakabilis ng panahon.

Ngayon ay masasabi mo nga namang nagbibinata na dahil malapit na itong umapak sa kanyang teenage years.

Gaya na lamang ng mga posts ni Jen sa social media. Di daw niya talaga kaya na nakikita ang mabilis na paglaki ni Jazz. Naninibago talaga siya kaya naman pabiro niyang cinaption noon na masyado daw mabilis at kung pwedeng pabagalan ang paglaki ni Jazz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)


Close na close talaga si Jazz at Jen. Syempre ay expected na ito dahil lagi silang magkasama ni Jen. Sa mga pictures dati ni Jen, mamomonitor mo talaga dito ang paglaki ni Jazz.

Maging ang iba’t ibang mga mahahalagang bahagi ng buhay niya ay mababalikan mo nga naman dito. Talagang masasabi mong hands on mommy si Jen. Kaya naman, paglaki ni Jazz ay talagang close na close pa rin ito sa kanyang ina.


Credit: Jen Mercado on Instagram

Sa ngayon ay makikitang nahihilig na rin si Jazz sa pagbibisikleta gaya ng kanyang mommy. Talagang malaking impluwensya sa kanya si Jen upang mas magkaroon sya ng healthy lifestyle.


Credit: Jen Mercado on Instagram

Nakatuwa talagang makita na habang bata pa ay mas mararaming nagagawang bonding moments na magkasama ang magulang at anak kaya siguradong masayang masaya din si Jen sa mga ganitong pagkakataon.




Credit: Jen Mercado on Instagram

Sa ngayon ay di pa masabi kung papasok din sa mundo ng showbiz si Jazz kaya talagang nakaabang din ang kanilang mga masugid na mga tagahanga.

The post Jennylyn Mercado, masayang nakakasama sa pagbibisikleta ang napakagwapo nyang anak na si Alex Jazz appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments