Melai Cantiveros, ibinahagi kung gaano ka-excited palagi na magkwento ang anak nyang si Stela sa tuwing uuwi sya ng bahay

Isa ang aktres at TV host na si Melai Cantiveros sa mga hinahangaan ng publiko pagdating sa kaniyang pagiging natural sa likod at harapan ng kamera.

Credit: @mrandmrsfrancisco on Instagram

Kaya naman hindi kataka-taka na matapos ang ilang taon nang siya ay magwagi bilang grand winner ng Pinoy Big Brother, ito naman ang naging daan para sa kaniya upang mahalin at hangaan ng karamihan.

Bukod sa kaniyang ipinakitang determinasyon sa lahat ng bagay na kaniyang nakakamit ngayon, mas kinilala din si Melai sa kaniyang galing sa pagpapatawa, kaya naman ang ilang netizen ay siya ang isa sa mga itinuturing na happy pill nila.



Credit: @mrandmrsfrancisco on Instagram

At dahil sa pagiging likas na komedyante at makwento pagdating sa mga nakakausap, tila’y hindi lamang si Melai ang iyong makikilala kundi pati na rin ang kaniyang anak na si Stela ay tila’y namana sa kaniya ang pagiging bibo at ma-kwento.

Credit: @mrandmrsfrancisco on Instagram

Mula sa video na ibinahagi ni Melai sa kaniyang Instagram ay makikita ang kanilang bonding time ng kaniyang anak na si Stela, at kapansin-pansin din ang pagkukwentuhan ng dalawa habang sila ay nasa kama.

Makikita din naman ang pagiging ma-kwento ni Stela habang kausap ang kaniyang ina na tila’y na-miss niya ito matapos ang ilang oras na sila ay hindi magkasama dahil sa may trabaho si Melai.

Credit: @mrandmrsfrancisco on Instagram

Ayon pa kay Melai ay laging ganito ang kanilang eksena sa tuwing siya ay umuuwi galing sa trabaho.


“Ganitu kami lagi pagkauwi ko ,Kwento cya whole day nya ginawa @stelarosalind and Happy nmn Me ♥♥♥ #buhaymama #sarap”

Iba nga naman ang saya na mararamdaman kung bubungad sa iyo ang anak na sabik na magkwento sa mga kaganapan na nangyari sa kanya maghapon.



Credit: @mrandmrsfrancisco on Instagram

Abala man sa trabaho si Melai, di pa rin niya nakakaligtaan na maglaan ng oras at panahon para sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang mga anak.

The post Melai Cantiveros, ibinahagi kung gaano ka-excited palagi na magkwento ang anak nyang si Stela sa tuwing uuwi sya ng bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments