Marian Rivera at Dingdong Dantes, namigay ng bisikleta, mga laptop at grocery items para sa kanilang mga kasambahay na labis na nagbigay saya sa kanila

Ang maging dahilan ng kanilang kasiyahan at makapagbigay ng tulong sa mga taong naging malaking parte ng ating buhay, ay iba ang hatid na saya at sarap sa pakiramdam na masilayan ang kanilang mga ngiti.

Credit: @marianrivera on Instagram

Sa kabila man ng pandemyang kinakaharap ngayon ng bansa at ang pagkakawalay sa kanilang pamilya, hindi naman ito naging hadlang para sa celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na pasalamatan ang kanilang mga naging katuwang mula sa pag-aalaga sa kanilang mga anak hanggang sa maayos at l!gtas na biyahe sa tuwing sila ay aalis.



Credit: @marianrivera on Instagram

Upang pasalamatan sina Glenda Cañaveral, Jhun Alisangco at Cecile Robotoc, sa kanilang maayos na serbisyo at pagmamahal sa kanilang pamilya, isang masaya na Christmas party ang kanilang ginawa para sa kanilang tatlo.

Sa bawat Christmas party hindi syempre maaaring mawala ang mga laro na siyang nagbibigay saya at excitement sa bawat kasapi ng programa.


Kaya naman sinimulan ito ni Dingdong sa unang laro na “Multiple Choice”, na kung saan ay may mga nakahandang katanungan ang aktor sa kanilang tatlo at ang pinakamadaming nakuha na tamang sagot, ay siyang mananalo ng premyong bisikleta.

Credit: @marianrivera on Instagram

Ilan nga sa mga naging katanungan na ay saan ang unang date nina Dingdong at Marian, sumunod ay ang laging ginagawa ni Dingdong tuwing umaga at ang huli ang unang naging leading man ni Marian.

Sa unang laro na ito ay nagwagi si Glenda at nakuha ang premyong bisikleta na siyang malaking tulong para sa kaniyang pamilya, lalo na at malayo ang kanilang bahay.

Credit: @marianrivera on Instagram

Ang kasunod namang nilang nilaro ay isang importanteng bagay na kung saan ipinakita ni Dingdong ang premyong laptop at Wi-Fi, at upang makuha ang premyong ito ay pinasulat ng aktor sa kapirasong papel sa kanilang tatlo kung sino sa kanila ang siyang napupusuan nilang dapat makakuha ng nasabing premyo.

At matapos nito labis naman ang naging kasiyahan ni Jhun ng siya ay mapili nina Glenda at Cecile na makakuha ng premyong laptop at Wi-Fi, na siyang labis na makakatulong sa kaniyang 6 na anak na kinakailangan para sa kanilang online class.

Credit: @marianrivera on Instagram

Ganun din naman ang naramdaman ni Glenda ng siya ay makatanggap din ng naturang premyo na ibibigay naman niya sa kaniyang pamangkin na nag-aaral din ngayon.

At ang huli na kanilang nilaro ay tinawag ni Dingdong na “Hakot mo benta mo”, na kung saan ay may tag-iisang hawak na batsa sina Glenda, Jhun at Cecile na siyang gagamitin naman nila sa mahahakot nilang mga grocery items upang simulan ang kanilang negosyo na sari-sari store.



Credit: @marianrivera on Instagram

Hindi hadlang ang sitwasyon upang makapagbigay ng saya at tulong sa iyong kapwa, kaya kahit sa simpleng paraan lamang ay ipinakita nina Marian at Dingdong ang tunay na dahilan ng pagbibigayan.

The post Marian Rivera at Dingdong Dantes, namigay ng bisikleta, mga laptop at grocery items para sa kanilang mga kasambahay na labis na nagbigay saya sa kanila appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments