Karla Estrada, binalikan at inalala ang mga napagdaanan noong maliit pa lang ang anak nyang si Daniel Padilla

Ang pagiging ilaw ng tahanan ay hindi madali, dahil kaakibat nito ang haba ng pasensya, matinding pang-unawa at wagas na pagmamahal upang maitaguyod ang kaniyang pamilya.

Ngunit kaakibat naman ng bawat h!rap at pagsubok na kakaharapin, ay ang masilayan at makasama ang iyong mga anak na siyang nagbibigay ng kakaibang kaligayahan sa bawat panahon na lumilipas.

Credit: @karlaestrada1121 on Instagram

Tila’y ganyan nga mailalarawan ang pagiging isang mapagmahal at supportive mom ng aktres at TV host na si Karla Estrada sa kaniyang mga anak.

Bilang isang single mom, hindi naging madali para kay Karla na palakihin ang kaniyang mga anak ng nag-iisa.



Credit: @karlaestrada1121 on Instagram

Kaya naman sa kabila ng mga h!rap na kaniyang pinagdadaanan upang palakihin ng maayos ang kaniyang mga anak, lalo na ang kaniyang panganay na si Daniel Padilla ay labis naman ang ligayang kaniyang natanggap makasama lamang ang mga anak.

“20yrs of age..A story of a struggling young mother..pero Kahit ano pa man ang Pinagdadaanan ko sa mga panahon na yan ay napapawi sa bawat ngiti na binibigay ng aking unang anak na si Daniel At ito ay nasundan pa ng mga anghel na nagpaligaya pa sa akin.Maraming Salamat mga anak at pinagaan nyo ang buhay ko mula noon hanggang ngayon. ❤❤❤@supremo_dp @sprakinheighten @magsford @lella.ford #mamalove”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)


Sa paglipas ng panahon ay hindi lubos maisip ni Karla na napalaki nya ng maayos ang kaniyang mga anak lalo na ang kaniyang panganay na si Daniel.

Sa larawang binahagi ni Karla sa kaniyang Instagram ay makikita ang lumang video nito, kasama ang napaka cute na si Daniel noong ito ay maliit pa lamang.

Credit: @karlaestrada1121 on Instagram

Makikita sa video ang pagiging emosyonal ni Karla habang karga-karga naman si Daniel noon.

Mula sa masayang pagbalik tanaw sa mga naging karanasan noon ni Karla, hindi naman napigilan ng aktres na magbiro din patungkol sa kaniyang katawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)


“Ang bilis nga naman ng panahon! Hindi ko namalayan ang pag laki ko! At pag laki ng mga anak ko 😜😜🤣🤣I love you mga anak and I love you my co-momshies!🤍✨✨ thanks for editing this 🙏🏻mamaslove”



Credit: @karlaestrada1121 on Instagram

Bilang isang ina tulad ni Karla, ang makasama ang iyong mga anak sa pagharap sa bawat pagsubok sa buhay ang siyang kaniyang naging sandigan upang malagpasan ang lahat ng kaniyang mga hirap na pinagdaanan noon.

The post Karla Estrada, binalikan at inalala ang mga napagdaanan noong maliit pa lang ang anak nyang si Daniel Padilla appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments