Buboy Villar, masayang nakipag habulan at nakabonding muli ang kanyang mga anak na sina Vlanz at George

Nakilala ng publiko ang aktor na si Buboy Villar bilang isang mahusay na aktor pagdating sa kaniyang angking galing sa pag-arte, na siyang hinangaan at nagsilbing inspirasyon sa karamihan.

Bukod pa dito ay si Buboy din ay maituturing na isang clown ng barkada dahil sa kasiyahan na naibibigay nito, mula sa kaniyang pagiging likas na komedyante sa kaniyang mga kaibigan, katrabaho at pati na rin sa kaniyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Maliban sa pagiging isang aktor, siya din naman ay isang huwaran at butihing ama sa kaniyang mga anak sa dating asawa na si Angillyn Serrano Gorens, at ang kanilang mga anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Busy man sa kaniyang kaliwa’t kanang trabaho, hindi naman nakakaligtaan ni Buboy ang kaniyang responsibilidad sa kaniyang mga anak at sinisigurado pa din na siya ay may maibibigay na oras na makasama ang mga ito.

Credit: Buboy Villar Youtube

Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na kasalukuyang naninirahan ngayon ang mga anak ni Buboy sa poder ng magulang ng kaniyang dating asawa, sa kadahilanang mas mababantayan at maalagaan ang mga ito dahil na rin sa wala silang parehas na oras dahil sa trabaho at mas mainam na ito upang mas matututukan ang pag-aalala sa mga bata.

Kaya naman ngayon ay ginamit ni Buboy ang pagkakataong ito upang maka-bonding sa kaniyang mga anak, kaya pinuntahan niya ito at sinulit ang oras habang kasama sila.

Credit: Buboy Villar Youtube

Sa panibagong video na iyong mapapanood sa YouTube channel ng aktor, makikita ang kanilang naging masayang bonding moments mag-aama habang nasa loob lamang ng bahay.

Mapapansin sa video ang tila’y pagkamiss ni Buboy sa kaniyang mga anak at makikita din ang pagiging hands-on daddy niya sa mga ito habang masayang nakikipaglaro sa kanila.

Sa kaniyang video ay kapansin-pansin din ang pagkahilig ni Vlanz sa aso habang maya’t maya hinahanap ang alaga nilang aso na si Gotti.

Credit: Buboy Villar Youtube

Sa kabilang banda naman ay makikita ang pagiging iritable ni George, dahil sa kagustuhan nitong buhatin ang mga galon ng tubig ay hindi niya mabuhat dahil siya ay maliit pa lamang.

Habol dito at habol doon ang tila’y naging eksena nila mag-aama sa kanilang naging bonding magkakasama.



Credit: Buboy Villar Youtube

May pandemya man, hindi naging hadlang ito para kay Buboy na masulit ang panahon na kasama ang kaniyang mga cute na anak kahit sa loob lamang ng bahay.

The post Buboy Villar, masayang nakipag habulan at nakabonding muli ang kanyang mga anak na sina Vlanz at George appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments