Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, proud na ipinakilala ang kanilang baby boy na si Koa

Ang dating apat lang na miyembro ng Happy Islanders family ay nadagdagan na nga ng isa pa. Mula kay Andi Eigenmann, Philmar Alipayo, Ellie at Lilo ay may bagong parte na ito na talagang mas magpapasaya sa kanilang pamilya. Ito ay walang iba kundi si baby Koa.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Matapos ang panganganak ni Andi Eigenmann sa St. Lukes Medical Center, January 17, ay ipinakilala naman nya ang kanilang baby boy na si baby Koa.



Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sa Instagram post ni Andi ay makikita ang larawan ng napaka cute na anak nila ni Philmar. Sa larawan ding ito mapapansin ang maaliwalas at napakaamong mukha ni baby Koa na talaga namang agaw pansin din sa mga netizens.

Ito ang naging laman ng IG post ni Andi, “And just like that, my heart has grown even bigger once more. On the 17th day of January, 2021 at 10:09am, we welcomed the newest member of our family. Hello world! Meet our little island boy, Koa.♥

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Sa Instagram account naman ni Philmar ay proud nya ding ipinakilala sa lahat si baby Koa na talagang sobra ang saya at meron na din syang katuwang sa pagmamahal at pangangalaga kina Andi, Ellie at Lilo.



“Me happy island boy, Koa Eigenmann Alipayo ♥ I’m over the moon to have you in my life nak! So happy and excited to welcome you in our family. Also so happy to have another boy in our family to help me love and take care of the girls.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)


Sa pagbuhos ng pagbati kina Andi at Philmar ay talaga namang mas lalo silang susubaybayan dahil sa napaka cute na bagong miyembro ng kanilang pamilya na mas lalo pa nating masisilayan at makikilala sa mga susunod nilang Youtube vlogs.

The post Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, proud na ipinakilala ang kanilang baby boy na si Koa appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments