Maja Salvador, ipinasilip ang kanyang napakagandang van na kumpleto sa gamit na may kasamang massage chair

Kung kalidad at ganda ng sasakyan lang din naman ang pag-uusapan, tiyak na hindi mo na kailangan pang mag alinlangan upang alamin ang magandang design na nais mo sa iyong sasakyan.

Credit: Meet Maja on Youtube

Kung hangad mo ang mga sasakyan na maaari kang makapag relax at makipagkwentuhan kasama ang iyong mga kaibigan, ang panibagong video ng mahusay na aktres at dancer na si Maja Salvador ang swak para sayo.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na karamihan sa mga celebrities ngayon ay may mga kani-kaniyang “Artista Van” na siyang ginagamit at dala-dala nila sa kanilang mga tapings o di naman kaya sa kanilang trabaho.



Credit: Meet Maja on Youtube

Kaya naman sa pagkakataong ito, hindi nagpahuli si Maja at naisipan din niyang bumili ng malaking Van na kung saan ay magagamit niya sa kaniyang mga trabaho.

At nang simulang dumating ang van na binili ng aktres, kaniya namang naisipan na ipa-customize ang loob nito upang mas maging malawak at maging kumportable siya sa kaniyang pagpunta sa trabaho.

Credit: Meet Maja on Youtube

 

Matapos ang isang buwan ng maipa-customize niya ito, masaya at excited na ipinakita ni Maja sa publiko ang naging itsura ng loob ng kaniyang sasakyan.

Pagbukas pa lamang ng pintuan, bubungad na sa iyo ang mga captain seats na kaniyang pinalagay para dito, hindi lamang ito basta upuan dahil ito ay power adjustable at mayroon pang heater at massager na siyang paborito ng aktres.

Credit: Meet Maja on Youtube

Pagdating naman sa ceiling ng kaniyang sasakyan, mamangha ka naman sa mga tila`y maliwanag na mga bituin na nagsilbing mga Star lights, na maaari mong mapalitan ang kulay depende sa iyong mood.

Credit: Meet Maja on Youtube

Bilang isang artista, importante para kay Maja ang magkaroon ng mga lagayan ng kaniyang mag personal na gamit, kaya naman nagpalagay din siya ng mga drawers at cabinets para paglagyan ng mga ito.



Credit: Meet Maja on Youtube

Parte ng buhay ng mga tao ang panunuod ng TV o di naman kaya ay movie marathon with friends, kaya ang isang 32 inches flat TV screen ang siyang makikita sa loob ng kaniyang sasakyan.

Credit: Meet Maja on Youtube

Bukod pa dito ay nagpalagay din si Maja ng mga cup holders, privacy glass, window blinds, pull-out table at USB ports.

Credit: Meet Maja on Youtube

Sa bagong sasakyan na ito ni Maja, tiyak na ika`y gaganahan rin na simulan ang iyong panibagong araw na may ngiti at tamang pahinga magmula sa maghapong trabaho.

The post Maja Salvador, ipinasilip ang kanyang napakagandang van na kumpleto sa gamit na may kasamang massage chair appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments