Anne Curtis, proud na ibinahagi ang larawan ng kanyang anak na si Dahlia Amelie na ngayon ay 9-buwang gulang na

O`kay bilis nga naman ang paglipas ng panahon, at ang pagpasok ng buwan ng Disyembre ay nagsilbing panibagong inspirasyon na siyang pinagkukunan ng kasiyahan ng bawat pamilya ngayon.

At dahil ilang araw na lang bago matapos ang taon, hindi maaaring makalimutan ang panibagong buwan na nadagdag sa napaka cute na si Baby Dahlia Amelie.

Credit: @annecurtissmith on Instagram

Kaya naman sa pagdiriwang ng ika-9 months ni Baby Dahlia, isa na namang napakagandang flower backdrop set-up ang inihanda ng aktres na si Anne Curtis para sa naging photoshoot ng kaniyang anak.

Tila`y isa na nga sa trademark ni Anne ang pagiging creative nito, pagdating sa pagaayos ng mga bulaklak sa bawat number blocks, sa tuwing ipagdiriwang nila ang buwan na nadagdag kay Baby Dahlia.



Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sa tulong ng kaniyang asawa na isang sikat na YouTube vlogger at celebrity chef na si Erwan Heussaff, ay hindi naman nagpahuli sa pagbibigay suporta nito sa pagkuha ng magagandang anggulo para sa photoshoot ni Baby Dahlia.

Sa larawang ibinahagi ni Anne kanina sa kaniyang Instagram, ay makikita ang napakacute na si Baby Dahlia, na makikitang suot-suot nito ang isang puting dress habang hawak naman ang isang balloon pump.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


“Ay sus Ay suuuuuus naman. I will never get tired of looking into those sweet and beautiful eyes.

Happy 9th month to my daaahling Dahlia Amélie.

P.S – Will try and teach her that this month. Beautiful eyes!!! Achieve na ang peek-a-boo, close-open, arimunding-munding and a-line 😋 What else am I missing? 😘

Photographer: papa @erwan Stylist, Set Design, Hype girl to her clingy-ness – Mummy”

Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sa larawang ito ni Baby Dahlia, tiyak na iyong panggigilan ang kaniyang cuteness at ang mga inosenteng titig nito sa kamera.

Kung labis ang kasiyahan ni Anne at Erwan para sa kanilang anak na si Baby Dahlia, hindi naman nagpahuli ang mga netizen at nagbigay din naman ng kanilang pagbati at kumento patungkol dito.

“Happy 9 months beautiful Dahlia 😍❤

“Adorable Baby Dahlia 😍😍😍♥♥♥😘😘😘

“Hello baby Dahlia😘😘 happy 9th month❤ love you❤❤❤

“Happy 9 months baby Dahlia. It’s Showtime!😊❤



Kasalukuyang naninirahan ngayon sina Anne at Erwan kasama si Baby Dahlia sa Melbourne, Australia.

Isinilang ni Anne si Baby Dahlia noong Marso 2, ngayong taon.

The post Anne Curtis, proud na ibinahagi ang larawan ng kanyang anak na si Dahlia Amelie na ngayon ay 9-buwang gulang na appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments