Richard Gomez, ipinakita ang pagiging supportive na ama kay Juliana kahit na sa usapan ng pagkakaroon ng manliligaw

Ang pagiging isang ama at pagkakaroon ng anak na babae ay tila`y isang malaking responsibildad, para sa isang magulang ang maprotektahan ang kaniyang anak sa mga bagay na maaaring makapagpalungkot dito.



Credit: Juliana Gomez Instagram

Kilala ang aktor na si Richard Gomez sa kaniyang taglay na husay at galing sa pag-arte at ang kaniyang angking kagwapuhan, na nakabighani sa mga kababaihan dahil sa kaniyang pagiging “Tall Dark and Handsome”.

Bukod sa pagiging isang artista, si Richard din ay isang buting asawa sa kaniyang partner na si Lucy Torres-Gomez at isang ring butihing ama sa kaniyang anak na si Juliana.

Credit: Juliana Gomez Instagram

Ang pagiging isang ama, ay hindi madali para kay Richard lalo na ang unti-unting masaksihan ang pagdadalaga ng kaniyang anak na si Juliana.

Credit: Juliana Gomez Instagram

Ayon sa isang interview sa kanya ni G3 San Diego, ngayon na 20 na taong gulang na si Juliana hindi lingid sa kaniyang kaalaman, ang panaka-nakang pag-aligid ng mga kalalakihan sa kaniyang anak.

“She’s growing up to be a beautiful lady. I’ve seen her grow from a toddler. Now she’s 20 years old already. And nakikita ko maraming umaaligid-aligid na mga lalaki sa tabi-tabi diyan,”



Credit: G3 San Diego Youtube

Bilang isang ama, alam ni Richard na hindi niya mapipigilan ang mga ganitong pangyayari sa buhay ng kaniyang anak, kaya imbis na pigilan si Juliana ay kaniya itong sinusuportahan at ginagabayan sa abot ng kaniyang makakaya.

“Well, dating is part of life, you know. It’s a part of growing up. Hindi mo naman pwede pigilan na ‘wag ka mag-date. Kasi eventually, if you do that, they’ll end up making takas. And you don’t want that to happen.”

Sa tuwing may ipapakilala si Juliana sa kaniya na mga kaibigan lalo na kung ito ay kalalakihan, hindi mapigilan ng aktor na ma-speechless sa tuwing nangyayari ito.

Credit: Juliana Gomez Instagram

Ngunit sa kabilang banda alam ng aktor na darating ang oras at panahon na magkakaroon din ng kasintahan ang kaniyang anak, kaya hangga`t wala pa labis ang kaniyang ibinibigay na suporta para dito.



Bukod sa pagiging supportive at loving father, si Richard din ay kasalukuyang public servant at nagsisilbi ng matapat bilang isang Mayor ng Ormoc City.

The post Richard Gomez, ipinakita ang pagiging supportive na ama kay Juliana kahit na sa usapan ng pagkakaroon ng manliligaw appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments