Melai Cantiveros at Jason Francisco, nagrelax at nag date kasama ang buong pamilya sa isang masayang bakasyon

Mula sa family getaway na naganap sa pamilya nina Melai at Jason Francisco, isa namang masayang couple date ang ginawa ng aktres at TV host na si Melai Cantiveros kasama ang kaniyang asawa na isang ring aktor na si Jason Francisco.



Credit: Melason Official Youtube

At sa naging selebrasyon ng kaarawan ni Jason, naisipan ng buong pamilya na pumunta sa Lipa City, Batangas upang mag-relax at mag-enjoy ng magkakasama.

Nakasama rin sa maikling bakasyon na ito ang kanilang 2 prinsesa na si Mela at Stela.

Credit: Melason Official Youtube

Upang lubusang masulit ang panahon na kanilang inilaan para sa kaarawan ni Jason, naisipan nilang mag-asawa na gawin ang water wellness treatment na siyang nakakatulong sa pag-detoxify ng katawan, pagbaba ng anx!ety level at upang gumanda rin ang iyong balat.

Ang water wellness treatment na ito ay ginawa nila Melai at Jason sa Healing Sanctuary Aqua Bar sa may San Benito, Lipa City.

Credit: Melason Official Youtube

Bukod sa masarap at nakaka-relax na body massage at body treatment, mabibighani ka naman sa ganda at linis ng lugar magmula sa mga luntiang halaman at sariwang hangin na nagmumula dito.

Credit: Melason Official Youtube

Sa kanilang ginawang water wellness treatment, makikita naman ang tila`y page-enjoy nila Melai at Jason sa kanilang ginawa, na ayon pa sa aktres ay isang masayang birthday treat ito para kay Jason.



Credit: Melason Official Youtube

Pagdating naman ng kinagababihan, isang masarap na family dinner naman ang kanilang pinagsaluhan buong pamilya.

Kapansin-pansin din ang paraan ng pag video ni Mela, na tila`y sanay na itong humawak ng camera habang isa-isang pinapakita ang mga pagkain, na kanilang pagsasaluhan pati na rin ang sliced birthday cake ni Jason.

Sa hulihang bahagi ng video, hindi naman nagpahuli si Melai at makikita ang pagiging hands-on nito sa kaniyang mga anak at pati na rin ang ginawang pag-aasikaso nito kay Jason.

Kinasal si Melai at Jason noong December 9 taong 2013 sa Holy Cross Parish sa General Santos City.

The post Melai Cantiveros at Jason Francisco, nagrelax at nag date kasama ang buong pamilya sa isang masayang bakasyon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments