Mula nang sila ay umalis patungong US noong September 15, tila`y nagsilbing malaking challenge ito para sa mag-asawang LJ Moreno at Jimmy Alapag ang lisanin ang Pilipinas na kanilang kinalakihan.
Makalipas nga ang halos dalawang buwan ng sila ay umalis, karamihan ng kanilang mga gamit sa Pilipinas ay dumating na sa kanilang bahay ngayon sa US.
At nitong Sabado, November 7 ay ibinahagi nina LJ at Jimmy ang kanilang ginawang paghahanda sa pagdating ng kanilang mga kagamitan.
Makikita naman ang excitement kay LJ sa pagdating ng mga ito dahil ayon umano sa kaniya, halos dalawang buwan na silang natutulog sa mattress.
Sa dami ng kanilang mga gamit at furnitures na kinakailangan sa loob ng kanilang bahay, ang ilan sa mga ito ay kanilang ipinagkasya at siniguradong mailalagay sa tamang pwesto.
Nahirapan man sa pag-aayos, mababakas pa din ang tuwa at excitement sa kanila nang matapos nilang ayusin ang kanilang mga gamit.
Matapos nito ay isa na namang masayang outdoor Halloween celebration ang ginawa ng kanilang pamilya, kasama ang mga pinsan at kamag-anak ni Jimmy sa US.
Sa kanilang naturang selebrasyon ay kapansin-pansin naman ang pag-eenjoy ng kanilang mga anak na sina Ian at Keona, at tila`y makikita naman ang pananahimik ni Calen sa isang tabi habang naglalaro ito sa kaniyang gadget.
Malaking adjustment man ang hinarap nina LJ at Jimmy, malaki pa din ang pasasalamat ng aktres sa tulong at gabay na ibinigay ng Panginoon sa kanila, upang harapin ang panibagong yugto na ito sa kanilang pamilya.
“Just when I thought we had our lives planned out, God decided to make a drastic change. This season has had a lot of ups and downs but God has definitely changed my heart and given me peace with our decision.
The Philippines will always be home and we will always be open to the idea of moving back but for now God has made it clear that it’s time for a new season. This transition may not be easy but as long as we have God I know we will get through it!”
The post LJ Moreno at Jimmy Alapag, ipinasilip ang kanilang bagong buhay ngayon sa Amerika kasabay ng pagdating ng kanilang mga gamit mula sa Pilipinas appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments