Kapatid ni Ivana Alawi na si Mona, ipinamigay ang kanyang napanalunang 100k sa kanilang ina at sa kanyang mapipiling mga tagahanga

Muli na namang pinatawa at pinasaya ng aktres at sikat na vlogger na si Ivana Alawi, ang publiko mula sa kaniyang panibagong challenge na ginawa kasama ang kaniyang pamilya.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa challenge na ito ay naisipan ni Ivana na gumawa ng isang pakulo, na kung saan ay hinam0n niya ang kaniyang pamilya na kung sino sa kanila ang huling lumabas sa loob ng sasakyan nilang van, ang siyang mananalo ng P100,000.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Upang simulan ang challenge ay nakaisip si Ivana ng strategy, na kung saan ay pinainom niya ng tsaa si Mommy Fatima at ang kaniyang Kuya na si Hashim.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Ngunit ang hindi alam nilang dalawa, na ang tsaa na kanilang ininom ay magiging sanhi ng kanilang paghilab ng tyan.

Sa kanilang pagsisimula ay hindi na maipinta ang reaksyon ni Mommy Fatima at ni Hashim, na tila`y mapapansin na ang paghilab ng kanilang tiyan.



Credit: Ivana Alawi Youtube

At sa pagsapit nga ng kinagabihan, hindi na napigilan ni Mommy Fatima ang nararamdaman ng kaniyang tiyan kaya naman napagdesisyunan nito na mauna ng lumabas ng sasakyan.

Makalipas nga ng ilang minuto ay si Hashim naman ang sumunod at hindi na rin tinapos ang challenge.

Credit: Ivana Alawi Youtube

At ng si Mona at Ivana na lamang ang natira sa loob ng van, naisipan nilang matulog at idaan ang pagkabagot sa pagpapahinga.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Ngunit sa sandaling iyon ay isang plano naman ang binalak ni Mommy Fatima at Hashim, na kung saan ay nagsuot ng puting dress si Mommy Fatima at nagpanggap bilang isang white lady upang takutin si Ivana.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Upang makabawi sa ginawa ni Ivana sa kanila, kinutyaba nila si Mona sa plano nila at tuluyang ginawa ang pananak0t habang mahimbing ang pagkatulog ng aktres.

Pagpasok ni Mommy Fatima sa Van, ay agad itong pumunta sa pwesto ni Ivana at ginising ang aktres upang makita ang kaniyang itsura.



Credit: Ivana Alawi Youtube

At sa pagmulat ni Ivana, matatawa ka naman sa kaniyang naging reaksyon nang sumigaw ito at lumabas ng kanilang sasakyan na hudyat ng kaniyang pagkatalo sa naturang challenge.

Hindi naman napigilan ni Ivana na maging emosyonal sa tak0t na kaniyang naramdaman sa ginawa ng kaniyang ina.

Credit: Ivana Alawi Youtube

At sa huli ay si Mona ang nagwagi sa challenge at ang kalahati ng kaniyang napanalunang pera, ay kaniyang ibinigay kay Mommy Fatima at ang kalahati naman ay binigay niya para sa kanilang mga napiling tagahanga.

The post Kapatid ni Ivana Alawi na si Mona, ipinamigay ang kanyang napanalunang 100k sa kanilang ina at sa kanyang mapipiling mga tagahanga appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments