Jinkee Pacquiao, masayang ibinahagi ang naging celebration sa kaarawan ng kanyang anak na si Princess

Kinilala ang pamilyang Pacquiao sa isa sa mga sikat at may busilak na kalooban, na handang tumulong sa mga nangangailangan na siyang naging dahilan upang sila`y patuloy na hangaan at suportahan ng publiko hanggang sa kasalukuyan.



Credit: Manny Pacquiao Instagram

Kaya naman hindi na lingid sa kaalaman ng iba na ang pamilyang Pacquiao, ay isa sa mga nagsilbing inspirasyon sa karamihan, magmula sa kanilang mga pinagdaanan noon na siyang naging daan naman upang makamtan nila ang ganitong klaseng karangyaan sa buhay.

Credit: Manny Pacquiao Instagram

Tila`y isang malaking blessing nga ito para kay Jinkee Pacquiao at kay Senator Manny Pacquiao, ang maranasan at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilyang binuo na magkasama.

Credit: @jinkeepacquiao instagram

At sa naging kaarawan nga ng isa sa kanilang mga anak na si Mary Divine Grace, ay binigyan nila ito ng isang masayang birthday party kasama ang kanilang buong pamilya.



Credit: @jinkeepacquiao instagram

Mula sa socmed post ni Jinkee, makikita ang kasiyahan ng kaniyang anak na si Mary Divine na siyang nagdiwang ng kaniyang ika-14 na kaarawan at ang naging maikling mensahe ni Jinkee para sa kaniyang anak.

Credit: @jinkeepacquiao instagram

“Happy 14th Birthday Princess. We love you soooo much! 💜

 

View this post on Instagram

 

Happy 14th Birthday Princess. We love you soooo much! 💜

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on


Sa naging selebrasyon ni Mary Divine ay makikita na talagang pinaghandaan ang kaniyang kaarawan, na kung saan ay makikita ang naging magandang backdrop set-up nito na sinamahan ng pink, white at violet balloon design, na siyang ginanap mismo malapit sa pool area ng kanilang tahanan sa General Santos City.

Pagdating naman sa pagkain na kanilang pinagsaluhan ay nagpahanda din sila ng isang buffet set-up para sa kanilang naturang pagsasalu-salo ng buong pamilya.

Credit: @jinkeepacquiao instagram

Sa kabila nito hindi naman nila nakalimutang pasalamatan ang Panginoon sa panibaong taon na ibinigay Niya para kay Mary Divine, na siyang pinangunahan mismo ni Senator Manny Pacquiao sa isang dasal.

Sa naging masayang kaarawan ni Mary Divine, marami namang netizen ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa dalagita.

“Happy Birthday, Princess!🌸 God bless you!♥



Credit: @jinkeepacquiao instagram

“Happy 14th blessed birthday Princess… live happy with God’s wonderful grace always dear heart. beginning with your wonderful mom & dad !!!”

“Happiest birthday, beautiful Princess. Miss you. @marypacquiao”

“Happy birthday Princess! Stay lovely! 😘💕

The post Jinkee Pacquiao, masayang ibinahagi ang naging celebration sa kaarawan ng kanyang anak na si Princess appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments