Jak Roberto, diretsahang tinanong si Barbie Forteza kung gusto na nya makipaghiwalay ngunit sa huli ay nabisto din sya na isa lang itong prank

Napakarami ng mga nanonood at nagpa-follow sa Youtube Channel ni Jak Roberto. Marami kasi ang kinikilig sa kanilang mga videos lalo na sa mga prank videos ni Jak kay Barbie. Gaya na lamang ng kunwaring nalimutan ni Jak ang birthday ni Barbie.



Credit: Jak Roberto Youtube

At ngayon, may bagong pakulo si Jak. Makikita sa unang bahagi ng video na mangiyak ngiyak si Jak at kinukwento na tila ay maghihiwalay na sila ni Barbie.

“Hello guys, sa mga nagtatanong ho ng updates sa’min ni Barbie, siguro napapansin n’yo ‘di kami masyado nagpo-post sa Instagram, sa social media, tungkol sa’ming dalawa,” saad ni Jak.

Credit: Jak Roberto Youtube

Dagdag pa ni Jak, kaya daw wala na silang updates sa social media ay nagkakalabuan na sila.

At matapos ang kanilang interview ni Barbie kay Nelson Canlas, tila nagdadabog na si Jak at sinabi ang kanyang saloobin kay Barbie.

Credit: Jak Roberto Youtube

“Alam mo ba, noong taping mo, napakabihira mo kayang mag-message. Naiintindihan ko naman nagtratrabaho ka. Minsan kapag gabi, pagod ka na. Sige, okay lang. Pero sa mga second week, third week, nasanay na ako, okay naman pala na ganito,” sambit ni Jak.

Credit: Jak Roberto Youtube



Kaya dito na sinabi ni Jak na tila hinahanap na daw niya ang kanyang “me time”.

“Wala lang, parang na-enjoy ko lang yung moment na solo, wala akong iniintinding i-message na girlfriend,” dagdag pa ni Jak.

Credit: Jak Roberto Youtube

Kaya naman, tinanong ni Jak sa kanya kung gusto niya ng Cool off o breakup.

Tila nabigla naman si Barbie at sumagot, “Ako, wala naman akong ere sa katawan, wala naman akong isyu sa ‘yo. Ikaw ang dada nang dada diyan. Ang cool off kasi, tayo pa rin, hindi lang tayo mag-uusap. Ang breakup, wala na talaga. Anong gusto mo? Gusto mo bang tayo pa din o ayaw mong tayo na?”

Credit: Jak Roberto Youtube

Hanggang sa di na makatiis si Barbie at sinabing huli na niya si Jak na pinaprank niya ito. Natawa na rin si Jak dahil mission failed siya ngayon.

Kaya naman, tawang tawa ang mga netizens dahil marami din sa kanila ang kinabahan at na prank dito.

“I just like how Barbie thinks but most importantly how she delivers herself. Straightforward, mature and realistic.”



Credit: Jak Roberto Youtube

“I loved Barbie. Matured enough to handle this kind of relationship. Ang cool lang. Hehehe”

“So authentic, love barbs eversince and now this couple. ❤❤❤

The post Jak Roberto, diretsahang tinanong si Barbie Forteza kung gusto na nya makipaghiwalay ngunit sa huli ay nabisto din sya na isa lang itong prank appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments