Bea Alonzo, itinuloy ang kanyang house tour at ipinasilip ang kanyang napakagandang kwarto at mga bonggang kagamitan

Mula sa malamansyong tahanan ng isa sa mga mahusay na aktres sa larangan ng showbiz na si Bea Alonzo ay masayang ibinahagi sa publiko ang unang pasilip sa kaniyang ipina-renovate na bahay.



Credit: Bea Alonzo Youtube

Matatandaan na sa kaniyang naging unang vlog ay ipinakita nito ang 1st floor ng kaniyang tahanan, at sa pagkakataong ito ay 2nd at 3rd floor naman ang kaniyang ibinahagi kanina sa publiko.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Pagdating sa kanilang Family Wall, masayang ipinakita ni Bea ang kaniyang pinagmamalaki at ang tinuturing niyang isa sa kaniyang malaking yaman ay ang kaniyang pamangkin na si Santiago Vito Carlos.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Sa kabila nito naging malaki naman ang pasasalamat ni Bea sa kaniyang pamilya, lalo na sa kaniyang Mommy na siyang gumabay at tumulong sa kaniya, upang marating at malagpasan ang lahat ng kaniyang pinagdaanan sa buhay.

Credit: Bea Alonzo Youtube

“When I look at this picture, it actually reminds me of what is really important in life. I`m just really lucky to have a family who are very supportive, who are very loving, especially my mom. She`s been my rock and sa lahat ng mga pinagdaanan ko, baka hindi ko na na-survive if not for her.”



Credit: Bea Alonzo Youtube

Pagdating naman sa kwarto ni Bea ay kapansin-pansin naman ang pagiging elegante nito, na binagayan ang kulay na puti at beige, na syang nagpadagdag sa kagandahan nito.

Ayon kay Bea, mas gusto nito na maging chill at nakaka-relax ang kaniyang kwarto dahil ayon sa kaniya ito ang madalas niyang pinupuntahan sa tuwing siya ay nagpapahinga.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Magmula naman sa kaniyang bathroom, mapapansin naman ang pagiging fancy nito mula sa chandelier na siyang makikita sa kanilang ceiling at ang isang bath tub.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Karamihan naman sa mga koleksiyon ni Bea ng mga bags at sapatos ay kaniyang ibinenta at ang kinita niya mula rito ay ibinigay niya sa kaniyang charity simula ng masailalim ang Metro Manila sa quarantine.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Pagdating naman sa 3rd floor ng bahay ni Bea, ipinakita din ng aktres ang kanilang family room at gym area.

Sa munting pasilip ni Bea sa kaniyang tahanan, tila`y nagsilbing inpsirasyon naman ito sa karamihan magmula sa kaniyang pagsusumikap na marating ang ganitong klaseng pamumuhay.

Narito naman ang naging komento ng ilang mga netizens:

“So much ideas were put in her house, there’s a detail in each of them. Most beautiful house of a celebrity i have seen so far.”



Credit: Bea Alonzo Youtube

“The whole Philippines is waiting for this Part 2… Your such a family-oriented person Ms. Bea… As a fan, Im so proud!”

“Your house is well-designed. Alam mo ‘yung taste mo then your comfortable with every spaces and that’s important.”

The post Bea Alonzo, itinuloy ang kanyang house tour at ipinasilip ang kanyang napakagandang kwarto at mga bonggang kagamitan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments