Ang mawalay sa iyong minamahal mula sa mahabang panahon ay hindi madali at may mga kaakibat na pagsubok, sa bawat araw na iyong kakaharapin ng hindi sila kasama.
Ang manirahan panandalian sa Manila at ang pansamantalang paglisan sa isla, ay isang malaking pagsubok ngayon para sa aktres at full-time celebrity mom na si Andi Eigenmann.
Malayo man sa kanyang kasintahan na si Philmar Alipayo, patuloy na nagpapaka-positibo si Andi kasama ang kaniyang dalawang prinsesa na si Ellie at Lilo at ang nalalapit na pagdating ng kanilang ikatlong munting anghel.
Malugkot man sa sitwasyon nila ngayong pamilya, isa sa mga natutunan ni Andi na may mga bagay sa buhay na minsan ay hindi naka-ayon sa pansariling kagustuhan.
Kaya bilang isang ina, ganito ang gusto niyang matutunan rin ng kaniyang dalawang anak.
“I want to raise them to be aware that sometimes things just don’t go our way, and that everything happens for a reason. And while its okay to feel sad sometimes, it also doesn’t hurt to find the silver lining in all of this.
We’re just so grateful to all be healthy and safe. And when the time comes that we do get to go back and all be together again, as Ellie says, it will be wonderful!”
Upang maibsan ang kalungkutan at pagka-miss kay Philmar, isang taos-pusong mensahe naman ang ipinaabot ni Andi, para sa kasintahan mula sa larawan na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram.
“Who would’ve thought there would come a time that something seemingly so simple would be so difficult to achieve. I miss you making us laugh so hard like we’ve never laughed before, I miss our fun island adventures, and discovering beautiful places nobody else has ever seen.
I miss sharing special and beautiful moments with you. Even beach days spent just staring at the ocean with you by my side. — it’s funny how this was supposed to be a post about missing the island life, but it ended up being about you. Home really is where the heart is.”
The post Andi Eigenmann, sinasanay na ang mga anak na maging praktikal at marunong humarap sa realidad ng buhay appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments