Alfred Vargas at kanyang asawa na si Yasmine, masayang ibinahagi ang kanilang naging 10th year civil wedding anniversary celebration kasabay ng pagsagot sa mga tanong mula sa kanilang mga tagahanga

Makalipas ng sampung taong pagsasama bilang mag-asawa, masayang ipinagdiwang ng Kapuso aktor na si Alfred Vargas at ang Filipino-Italian Entrepreneur na si Yasmine Espiritu ang kanilang sampung taong anibersaryo bilang husband at wife.



Credit: Alfred Vargas Instagram

Matatandaang unang ikinasal si Alfred at Yasmine mula sa isang civil wedding ceremony, noong 2010 at sa ikalawang pagkakataon ay ikinasal ulit ang dalawa noong Hulyo 23 taong 2017, sa Manila Cathedral in Plaza de Roma sa Intramuros.

Credit: Alfred Vargas Instagram

At sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo nitong Agosto 16, masayang ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang naging paghahanda para sa espesyal na selebrasyong ito, na kung saan ay ipinagdiwang nila ito sa pamamagitan ng isang boodle f!ght.

Credit: VARGAS NA PAG-IBIG Youtube

Magmula sa video na in-upload nila sa kanilang YouTube channel, mapapansin ang tila`y paghahanda ni Yasmine ng mga pagkain na kanilang lulutuin para sa magiging salu-salo nila buong pamilya.

Dahil ang mga nanay at asawang babae ang siyang nakatoka sa pagluluto at gawaing bahay, naisipan ni Yasmine na si Alfred naman ang magluto ng kanilang kakainin.



Credit: VARGAS NA PAG-IBIG Youtube

Tak0t man sa pagluluto ang aktor, sinunod pa rin ni Alfred ang kahilingan ng kaniyang asawa at sinimulan ang pag-iihaw ng ilang mga putahe, tulad na lamang ng pork liempo, longganisa, steak, corn, squid at ang inihandang buttered garlic prawns ni Yasmine.

Ayon umano kay Alfred, ito raw ang unang beses na siya ay magluluto, kaya naman makikita ang hindi pagkasanay ng aktor pagdating sa ganitong gawain.

Credit: VARGAS NA PAG-IBIG Youtube

“Guys ito, once in every 10 years ko lang to ginagawa and in ten years first time kong gawin ito, ang next time kong gagawin ito sa 20th civil wedding anniversary na.”

Matapos naman ng kanilang naging pagluluto, sinagot din ni Alfred at Yasmine ang ilang katanungan na binigay sa kanila ng netizen, patungkol sa kanilang pagsasama at ang pagiging isang mabuting magulang sa kanilang mga anak na sina Alexandra, Aryanna at Cristiano.

Credit: VARGAS NA PAG-IBIG Youtube

Nang tanungin naman kung kamusta ang kanilang buhay ngayong quarantine, agad naman itong sinagot ni Alfred.

“Aaminin ko sa inyo talagang ako for example as the father, as a husband, talagang I worry everyday and nakakatak0t, ang laki ng uncertainty. So just like any other family, talagang we try to deal with it together. Pero ako naman masaya ako basta, okay yung family ko, kasama ko misis ko, kasama ko mga anak ko.”

Marami namang mga netizens ang nagpakita ng paghanga sa kanilang pamilya:

“Ang gustong-gusto ko sa mag asawang to,tinitingnan nila sa mata ang isa’t-isa pag nagsasalita at makikita mo ang love the way they look at each other. You meant to be talaga! Goodluck sa Family nyo and more powers sa channel.”



Credit: Alfred Vargas Instagram

“Oh I sooo Love Vargas Family, ❤❤❤

“Beautiful & Perfect Family ❤❤❤ Happy Anniversary to both of you!!!More happy years to come.”

The post Alfred Vargas at kanyang asawa na si Yasmine, masayang ibinahagi ang kanilang naging 10th year civil wedding anniversary celebration kasabay ng pagsagot sa mga tanong mula sa kanilang mga tagahanga appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments