Marami sa atin ang nawalan ng trabaho at nanatili na lamang sa bahay ngayong panahon na may C0vid. Pero ang iba naman ay nakapaghanap ng trabaho at mapagkakakitaan ngayong pandemya.
Gaya na lamang ng singer at dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Ylona Garcia. Mula noong July 1, lumipad si Ylona at nakauwi siya sa kanilang lugar sa Sydney, Australia. Imbis na magpahinga, hindi niya sinayang ang kanyang oras at nagtrabaho doon.
Makikita sa post ni Ylona ang kanyang pinasok na trabaho. Siya ay nagtrabaho sa isang fastfood restaurant. Kahit bata pa lang si Ylona sa edad na 18, ay todo ang sipag niya sa trabaho.
“hey y’all, i decided to work at @mcdonaldsau :)) feel free to come thruuu && i’ll serve you xx” saad ni Ylona sa kanyang IG post na makikita siyang naka uniporme.
View this post on Instagram
hey y’all, i decided to work at @mcdonaldsau :)) feel free to come thruuu && i’ll serve you xx
Bilib na bilib naman ang kanyang mga kapwa artista sa kanya at nagkomento din dito.
Saad ng RnB prince na si Jay-r, “Get it lil Homie!!!”
Maging si Denise Laurel ay nagkomento na “Stay safe beautiful i already know u gonna make everyone’s day brighter!”
Hindi talaga mapalagay si Ylona na walang ginagawa. Dito pa lang siya sa Pinas bago lumipad ay marami na rin siyang pinagkakaabalahan.
Hilig ni Ylona ang pagtugtog ng piano at violin kaya ito ang pinagkakaabalahan nya ngayon. Gumagawa din ng mga kanta si Ylona na sarili niyang komposisyon.
Bilib naman ang mga netizens kay Ylona dahil sa kanyang sipag.
“Wow..start a new beginning…God bless and stay safe”
“kaya importante talaga ang pag aaral para may fall back pag nawalan ng raket sa pag aartista”
“Abroad ksi kahit crew medyu maganda namn ang compensation. And you can have different kind of jobs in a day kahit highschool kalang. Sa Pinas you can’t do that and mababa talaga ang sahud.”
“Kapag nasa ibang bansa ka matoto ka tlga magstart sa step one mahirap sa umpisa At bawal ang maarti, Proud of this girl.”
The post Ylona Garcia, masayang ibinahagi ang kanyang bagong trabaho bilang service crew sa isang fastfood restaurant sa ibang bansa appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments