Naging usap-usapan ngayon sa social media ang kakaibang ginawa ng aktor na si Jason Francisco, na kung saan ay sinubukan nitong maging isang ‘Recycle Man’ upang magsilbing inspirasyon para sa karamihan.
Noong August 2, ibinahagi ng aktor sa publiko ang ginawa nitong pangangalakal mula sa kanilang bakuran hanggang sa pangongolekta nito ng mga kalakal sa kanilang mga kapitbahay.
Bago simulan ni Jason ang pangangalakal ay makikita naman ang excitement mula sa aktor, na ayon sa kanya ay na-miss nito ang kanyang kabataan.
Unang kinolekta ni Jason ang mga plastic bottles na matagal na nilang inipon sa kanilang bakuran, na nagmula pa mismo sa mga nabili nila noon sa mga convenient stores.
Sunod naman pinuntahan at hiningan ng kalakal ni Jason, ang kapitbahay nila na si Ate Lenie na syang kasa-kasama nitong mamitas ng mga avocado.
Kapansin-pansin naman na hindi lang sa mga kapitbahay kumukuha ng kalakal ang aktor, kundi pati na rin sa mga kalakal na nakikita nito sa daan.
Sa bawat kalakal na nakukuha ni Jason, makikita ang kasiyahan at ang pagiging palabiro nito mula sa mga tao na kanyang nakakasalamuha.
Matapos ang pangongolekta ng mga kalakal ay agad naman nya ito dinala sa junk shop ni Mang Mamerto, na ayon sa kanya ay isa sa mga kilala sa kanilang lugar dahil sa tapat nitong serbisyo at mapagkakatiwalaan pagdating sa mga kalakal.
Mula sa mga naipon ni Jason na kalakal ay naibenta nya ang mga ito sa halagang 45 pesos, na syang ikinatuwa naman ng aktor dahil bukod sa nakatulong na sya sa kalikasan, may nakuha pa syang pera mula dito.
Ang ginawang kabutihan ni Jayson ay nagsilbing inspirasyon para sa karamihan na alagaan ang ating kalikasan kahit sa simpleng paraan lamang.
“relate na relate sa pangangalakal! Old newspaper, plastic bottles and cans. Yes! #LetUsHelpTheEnvironment”
“Good example ang ginawa mo po Jason. May you inspired all your viewers…”
“Very inspiring jason….. keep it up!”
Pinatunayan ni Jason, na tunay ngang may pera mula sa basura.
The post Jason Francisco, sinubukang mangalakal ng bote, karton at plastic upang maging inspirasyon at isulong ang pangangalaga sa kalikasan appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments